Under The Moonlight Chapter 42 Marciano’s Point Of View. Hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko iyong tatlong kasamahan ko sa internship kanina sa elevator. I mean, it never crossed in my mind that they will ask me to go with them after the orientation. Sabay-sabay rin kaming pumunta sa kantina para mag-lunch. Ngayon, kakatapos lang ng work namin at nagkayayaan na pumunta sa isang sikat na nag-se-serve ng mga meryenda. “Sabi ko naman sa inyo na mabait iyong magiging boss natin, eh!” sabi ni Julian. Ang dalawa namang babaeng kaibigan niya’y sina Julia at Lucy. Magpinsan sina Julian at Julia habang kababata naman nila si Lucy. They were so kind. Masaya rin kasama at alam kong kahit sino ka pa’y hindi ka nila huhusgahan. Sinabi rin naman ni Julian ang kasarian niya. At first, you wil

