Kinabukasan nagtaka ako nang hindi nagparamdam si Aga buong umaga. Ang weird lang kasi kahit panggabi ito, nagagawa niyang tawagan ako para batiin kahit good morning lang. Pero ngayon, wala man lang siyang paramdam. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi siya sumasagot. Ring lang nang ring ang kaniyang telepono. Nakakapagtaka talaga. “Ma’am, problem?” tanong ni Janice sa akin. “Huh?” Para naman akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog sa tanong ni Janice na iyon. “Hala siya, wala sa sarili?” komento naman ni Thummy. Off nito at ni MJ kahapon kaya wala sila nang mag-open ng heart problem si Janice sa amin kagabi. Huminga ako nang malalim saka sila binalingan. “Si Aga kasi eh. Hindi nagparamdam buong maghapon. Mag-uuwian na naman wala pa rin siyang paramdam,” paliwanag ko sa kani

