Chapter 36

1274 Words

Pagkatapos nang pag-uusap namin ng ina ni Daisy ay binisita na namin si Aga sa silid nito. Mabuti na lang at hindi matindi ang naging pinsala nito. Nabugbog lang ang balakang nito at ilang galos sa kaniyang katawan. Pero maliban doon ay wala naman na itong ibang natamong pinsala sa kaniyang katawan. Agad namin siyang nilapitan nang makapasok kami sa kaniyang kuwarto. “Mahal,” nakangiting bati niya sa akin nang makita niya akong papalapit sa kaniya. Muli namang tumulo ang luha ko. Sobrang nag-aalala kasi ako sa kaniya eh. Kaya tuloy magang-maga na ang mga mata ko. “Kumusta ka na?” tanong ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang buhok. “Okay naman na ako mahal. ‘Wag ka nang umiyak,” aniya sabay pahid sa aking mga luha. “Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na pupuntahan mo pala si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD