- HYDEN REYES -
"Now or never? I don't want to lose this chance." Huminga muna ako nang malalim bago nagpasyang tumawid sa kabilang kalsada kung saan ay busy siya sa pagkutingting sa loob ng gamit niya.
Napaawang ang labi ko nang mapansin ko ang paparating na kotse. Mabilis ang patakbo nito kaya naman nang makita kong halos nasa gitna na ng kalsada si Ley ay binuhos ko ang buo kong puwersa para makatakbo papalapit sa kaniya.
It all just happened so fast. Mabilis akong tumakbo para makalapit kay Ley. Hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama sa kaniya. Nang makalapit na ako sa kaniya ay niyakap ko siya papalapit sa akin. Sa sobrang bilis ko tumakbo para lang mailigtas siya sa paparating na kotse ay sabay kaming bumagsak sa sidewalk. Napapikit na lang ako dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagiging Super Hero ko.
Sa pagbagsak namin ay napa-ilaliman ko siya. Nadaganan ko ang malambot niyang katawan.
MALAMBOT NA KATAWAN?
What a word?! And what is this feeling? There is also something soft in my lips. I slowly opened my eyes and there you are!
Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Parehong nanlaki ang mata namin. Mas lalo kong naintindihan kung bakit ganoon na lang ang reaksyon namin.
Her lips was on mine and my lips was on her. So technically, ang mga labi namin ay magkapatong. At kami rin pala. Ako ang nasa ibabaw at siya ang nasa ilalim.
Naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko at tinulak niya ako ng napakalakas. Bumangon siya at tumayo. "You p*****t! Bakit mo ginawa iyon?!" She yelled on my face.
Nakatingala ako sa kaniya. Hindi ko pa magawang tumayo mula sa pagkakabagsak namin dahil medyo nanghihina pa ang tuhod ko sa hindi inaasahang pangyayari.
As in this is so unexpected!
Teka, ano nga ba ang dapat kong sabihin? "Um..." I paused for a while then nasabi ko na lang without thinking "Trip lang."
Sht. Gago ka talaga, Hyd.
Huli na para magsisi. Leche rin talaga itong bibig ko, sabayan pa ng utak kong walang alam gawin kung hindi ang manakit ng damdamin ni Ley. Napapikit na lang ako sa sarili kong kapalpakan.
Oh sht ka talaga, Hyden! Bakit iyon ang lumabas sa bibig mo?
I heard her sobbed kaya minulat ko ang aking mata para tingnan siya and I'm not mistaken dahil namumula na ang mata at ilong niya. Tumayo ako para lapitan siya. I planned to get closed to her and hugged her pero bago ko pa magawa iyon ay...
PAK!!!!!
Super shock!
Parang natanggal ang ulo ko roon ah. Pinalasap niya lang naman ang moon crystal power slapshock hand niya to my face. Parang nagkaroon ako ng instant blush on sa left cheek ko ah. Palagyan ko rin kaya ang kanan?
"Hindi ka pa ba nagsasawa, Reyes? Pagod na pagod na ako. Hanggang kailan mo ba ako balak pahirapan?" She asked angrily as she continued crying.
Wala akong maisip na puwedeng sabihin kay Ley. Sobrang nahihiya ako na parang gusto ko na lang tumalikod. Ayokong makita siyang umiiyak nang dahil sa kalokohang ginawa ko sa kaniya.
"Wala akong matandaan na ginawan kita ng masama pero bakit lagi mo na lang ako pinapahirapan? Simula pa ng bata tayo ay hindi na maganda ang pinapakita mo sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit pa kita niligtas noong mga bata pa tayo eh. Kung alam ko lang na ganito ang sasapitin ko sa'yo, sana pala hinayaan nalang kita mamatay sa loob ng pesteng cabinet na iyon!" she screamed.
At tumigil siya saglit para punasan ang luha niya. "Ano ba ang dahilan at galit ka sa akin? Ano ba ang dahilan at hindi mo na ako nilubayan sa mga kalokohan mo?"
Naurong na yata ang dila ko. Maski pagbuka nito ay hindi ko na magawa dahil sa nakikitang sitwasyon niya ng dahil sa akin.
"Wala kang masabi ngayon, Reyes? Ano? Naputol na ba dila mo?!"
Tumungo na lang ako tanda ng pananahimik. Tama naman siya eh. Sobrang sama ko talaga para gawin sa kaniya lahat ng pagdurusang naranasan niya nang dahil sa akin. Dahil sa wala naman talaga ako masabi ay umalis si Heiley sa harapan ko.
Wala. Wala ka na talaga masabi. Paputol mo na nga iyang dila mo, Hyden, sermon ko sa sarili ko.
Gusto ko magpaliwanag sa kaniya pero kahit ano yata sabihin ko ay hindi naman siya maniniwala kaya hindi na rin ako nag-effort na sabihin sa kaniya iyon. Alam kong masama ang loob niya sa akin kaya hinayaan ko na lang siya lumakad papalayo.
***********
-HEILEY-
"ANG walanghiyang iyon! Peste siya!" Nanggigigil na saad ko sa harap ng salamin. Sobrang kuskos ang ginawa ko sa labi ko para lang matanggal ang germs na binigay sa akin ng peste na iyon. Ugh! Peste talaga siya. Anong karapatan niya na halikan lang ako ng ganoon lang? Ang lakas pa ng loob na sabihing trip lang daw iyon. Trip?! Peste talaga siya!
Pagpasok ko sa bahay ay tahimik lang ako nagmano kay Lolo Jaime at Lola Anita. Alam kong nagtataka sila nang makita nila akong parang paiyak na. Buti na lang napigilan ko pa ang luha ko hanggang sa makaakyat ako papunta sa kuwarto ko. Hindi nila maaaring malaman ang nangyari kaya hangga't kaya kong tiisin ang ginagawa sa akin ni Hyden ay gagawin ko.
Dito ko na sa C.R binuhos ang galit at inis ko sa peste na iyon. Imagine, my first kiss was stolen to that pesticide! Halimaw talaga siya sa banga. Sobrang nandidiri ako sa nangyari kanina. Hindi ko lubusan maisip bakit kailangan niya ako halikan. Para ano? Para mang-trip lang talaga? Siguro pinagpustahan na naman nila akong magkakaibigan. Grabe na talaga sila. Sumosobra na sila sa pang-aabuso nila sa akin.
Gusto ko man sumigaw para mailabas ang galit ko kay Hyden ay pinigilan ko na lang. Hindi maaaring marinig nila Lolo at Lola na nagwawala na ang apo nila rito sa loob ng C.R. Baka bigla na lang silang atakihin kapag nalaman nila na ang apo nila ay may first kiss na sa edad na disi-sais. At ang nagnakaw ng unang halik na iyon ay wala man lang romantikong koneksyon sa akin! Matalik ko siyang kaaway. My ultimate enemy on this planet pero ang pesteng iyon! Ugh! Nanggagalaiti talaga ako sa galit kapag naaalala ko iyon. Peste talaga siya!
"Why does Hyden hate me so much? What did I ever do to him?" bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko alam ang dahilan ni Hyden para gawin lahat sa akin iyon. Simula pagkabata ay tiniis ko ang paghihirap na iyon sa kamay niya. Wala akong tapang na harapin at labanan siya. Para lang akong tanga na tanggap nang tanggap sa bawat parusang binigay niya.
Oo. Ang tanga-tanga mo talaga, Heiley. Akala ko ba matapang ka? 'Di ba iyon nga ang pinagmamalaki sa iyo ng Lolo't Lola mo? Oh bakit hindi mo ginagamit ang tapang na iyon sa pesteng kaaway mo? Matapang ka 'di ba? Harapin mo siya. Kalabanin mo siya. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka niya nakikitang gumagapang sa harapan niya, iyon bang nag-aagaw buhay ka na eh para ka pa rin tuod sa paningin niya. Na-ge-gets mo ba ako, Heiley Santos?
"Oo! Get's kita. Isa ka pang peste eh. Basta-basta ka na lang sumasabat sa isip ko." Para lang akong tanga na kinakausap ang sarili ko.
Pagkatapos kong kuskusin ang buong labi ko na parang gusto ko nang tanggalin sa pagkakakabit sa mukha ko ay sinundan ko na rin ito ng pagligo. Pakiramdam ko kasi ay sobrang dumi ng pagkatao ko dahil sa nangyaring peste kanina sa kalsada. Nang mapreskuhan ay humiga na ako sa aking kama. Gusto ko nang magpahinga at matulog.
Nakahiga na ako sa kama nang may nakita akong pulang bilog sa dingding ng kuwarto ko. Gumagalaw ang bilog na iyon sa buong kwarto ko. Parang liwanag iyon na nagmumula sa labas. Bumangon ako at sinilip iyon. Pagkahawi ko sa kurtina ng bintana ay may nakita akong manila paper na hawak nang isang halimaw. May nakasulat na "I'M VERY SORRY, HEILEY. PLEASE FORGIVE ME."
'Langya naman talaga oh. Bakit ba kasi nagkatapat pa ang bintana ng mga kuwarto namin? Pinanganak talaga ako na malas sa buhay. May pag-asa pa ba ako ambunan ng swerte?
Dahil nga katapat ng bintana ko ang bintana niya ay bihira ako sumilip sa labas dahil wala namang magandang tanawin na puwedeng silipin eh. Nakakapesteng halimaw lang naman ang makikita ko.
I just stared at him. I'm not interested. He's really sorry? Sorry is not enough for all the bad thing he done to me. I decided to close my window.
No nightmares, please. As I closed my eyes and ready myself to sleep.