-HEILEY-
"I love you, Hyden."
I really mean it. Wala na akong pakialam kung ako na ang gumawa ng first move. Wala rin akong pakialam kung pinagtitinginan man kami ng mga tao ngayon. Gusto ko lang na malaman niya ang nararamdaman ko sa kaniya. Malaki ang expectation ko na pareho kami ng nararamdaman at sana hindi ako biguin ng instinct ko. Na mahal din ako ni Hyden gaya ng pagmamahal ko sa kaniya.
"Wow!! That's song is soooo sweeeet!!!"
And your face is sooo damn ugly!!!!
Parang gusto kong isigaw nang makarinig ako ng nakakarinding boses mula sa kung saan dako ng lupa. Kahit hindi ko pa nasisilayan ang mukha ng impakta na iyon, para sa akin ay ubod siya ng pangit! Wala sana akong balak na lingunin kung sinuman siya kaya lang naiinis ako sa nakikita kong reaksyon ni Hyden. Todo smile lang.
"Thank you." 'Nak ng tinapa at daing naman oh. Parang nahihiya pa na nagpasalamat si Reyes ah.
"And you have a great singing voice. Bagay na bagay sa boses mo ang kantang iyan." Narinig kong sabi ng malanding babae.
Naramdaman kong lumuwang ang pagkakayakap sa akin ni Hyden.
"I love that song."
"And I beginning to love the person who sang that beautiful song..."
Ah! Peste! Buburahin ko talaga ang mukha ng babaeng iyon!
Haliparot!
Marahas akong lumingon para silipin ang pagmumukha ng haliparot na iyon! Pesteeeee!!!!!!! Maputi lang siya pero hindi siya maganda. Tiningnan ko siya mula paa hanggang ulo. Pero mukhang hindi yata tinablan dahil deadma lang ako.
"Hi! I'm Rose. And your name..."
"I'm Hyden..."
Sige Hyden, paghusayan mo lang talaga 'yang ginagawa mo.
"...and this is my girlfriend, Heiley."
Akala ko ay tuluyan na akong maba-badtrip. Hyden did a great job! Parang naliwanagan ako nang marinig kong sinabi ni Hyden iyon. I felt his hand around my waist and I can sense that his so proud when he said that.
He really mean that? Girlfriend niya raw ako??!!!!! Waaaahhhhhh!!!!!
Parang gusto kong maiyak sa tuwa nang marinig ko iyon. Oh my Gosh! Nag-init ang mukha ko sa narinig. Para akong lalagnatin. Everyone at the coffee shop are still looking at us. I mean the three of us. Kasali ang hampas lupa na iyon!
Napansin ko ang reaksyon ng haliparot na iyon. Walang kaabog-abog na sabihin ba naman niyang.
"I like you Hyden and I think.... I'm inlove with you."
Putrages. Naghahamon yata ng suntukan ang white lady na 'to ah. Puwede ba talagang mainlove ng ura-urada?
Peste! Kung alam ko lang na nakaka-inlove pala ang kantang iyon nila Sheyhee at Anne Mateo, hindi ko na sana hinayaan na marinig ng madlang people ang pagkantang iyon ni Hyden.
"Are you deaf? Linis-linis din ng tenga kapag may time. Naiintindihan mo naman yata ang sinabi niya 'di ba? I'm his girlfriend kaya 'wag kang ambisyosa, miss." Masasapak ko na ito eh.
Napansin na rin ako sa wakas ng bruha dahil tumingin siya sa akin. Iyon nga lang, tingin na nakakapang-asar talaga!
"So what? Kung iyong may asawa nga, naghihiwalay pa eh, mag-jowa pa kaya?"
Aba't! Ang bastos ng bunganga nito ah! Hindi ko pa nga naririnig kay Hyden ang I LOVE YOU TOO, tapos gusto niya agad kami maghiwalay! Buseeet siya!!!
"Sorry, Rose, but I'm already taken so if you excuse us." Hinawakan ni Hyden ang kamay ko at lumabas na kami ng coffee shop. "Let's go, baby."
"You will be mine, Hyden!!"
At ang lakas ng loob ng Rose na iyon na isigaw pa!
"ASA! IN YOUR DREAMS, INENG!!!!" Sigaw ko rin sa kaniya hanggang sa makalabas kami ng coffee shop na iyon.
"Do I know you?" tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan lumakad papalapit sa akin ang babae.
"I think so. But I'm confident that you won't forget this pretty face."
"Ang ganda mo ay parang REBISCO, ang lakas ng feeling mo, ineng. Sorry but I don't know you."
BWISET!!! FEELINGERA SIYA AH!
Bakit nga ba nandito ang babaeng iyon? Naku! 'Wag naman sana! Hindi yata kakayanin ng powers ko kung dito nag-aaral ang babaeng iyon. Imbes na isa lang ang poproblemahin ko, kung paano kami magiging official na mag-bf at gf ni Hyden ay madadagdagan pa ako ng stress.
Kahit pa sinabi ni Hyden sa babaeng 'yon na girlfriend niya ako or kahit ipagkalat niya pa sa mundo, kung hindi naman niya mababanggit ang tatlong salitang gusto kong marinig ay hindi pa rin ako lubos na magiging masaya.
Lord, ibang klase ka talaga magbigay ng challenges sa akin ah. Pero sige, kakayanin ko 'to. Sino mang kontrabida ang ipadala niyo rito ay lalampusihin ko. Ganyan katibay ang pagmamahal ko kay Hyden! Fighting!
Para hindi tuluyang masira ang beauty ko ay tumalikod na ako. Hahanapin ko pa si Hyden.
"I'm still talking to you, idiot!" she shouted.
Buwisit! Parang makakapatay ako nito ah. Ang tindi ng kalaban ko ngayon eh.
Lumingon ako at lumapit sa kanya. "Sorry, are you saying something?" pagmamataray ko.
"I want to talk to you."
"Sorry but I don't have time for you, my dear. Kaya kung maaari lang ay 'wag kang panira ng moment. Maghanap ka ng puwedeng pumatol sa'yo kaya excuse me."
Bago pa ako makatalikod ay hinablot niya ang kamay ko.
"I will win this game."
Agad ko namang binawi ang kamay ko.
"Takas ka ba sa mental, miss? Maluwang na ang turnilyo sa kukote mo kaya pumunta ka muna sa junkshop at ibenta ang kinalawang na turnilyo dahil malala na ang damage ng utak mo. Ano ito, naglalaro lang tayo ng langit lupa impyerno, saksak puso tulo ang dugo? Patay buhay, umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mong ibaun kita sa lupa."
Pesteeee! Sarap itapon nito sa junkshop eh!
"My name is Rosalie Van Ginkel and Hyden will be mine. Soon."
"Sira na nga ang ulo mo, miss. I'm not asking for your name kaya 'wag kang atribida. Buwisit. Nasisira ang beauty ko sa'yo!"
Ugh! Gusto ko talaga ingudngud sa putikan ang mukha ng babaeng ito.
"Is there any problem here, beautiful ladies?" Sabay kami napatingin sa lalaking nagsalita. Si Austin pala, kasama si Hyden at Jazzfer.
Dumako ang paningin ko sa lalaking kanina ko pa iniiisip. Nagkatinginan kami at ngumiti siya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti dahil nandito pa rin ang haliparot. Nakasimangot pa rin ako.
"Nothing. We're just chatting here." Biglang nag-evolve from devil to angel ang tono at pagmumukha ni Rosalie.
"Oh, Rose. Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo rito?"
"Magkakilala kayo, Jazzfer?" Nagulat pa ako.
"Yes. We live in the same village." Parang balewala na sagot ni Jazzfer.
"And we're best friends. Right, Jr?" Pa-cute na tanong ni Rose.
"Parang hindi naman." Sagot ni Jazzfer sabay lagok sa iniinom niya.
"Talagang kinalimutan mo na ang samahan natin 'no?" Bitter ang tono ni Rose.
"Don't talk when your mouth is full, Rosalie." Jazzfer coldly replied.
"Wow! Mukhang may tinatago 'tong dalawang 'to sa atin ah. Share naman diyan," sigaw ni Shaun
Hindi umimik sila Rose at Jazzfer. Parang may something nga sa dalawang ito base na rin sa pagkikita nila at pag-uusap nila.
"Pakilala mo na lang sa amin ang friend mo, Heiley." Austin smirked.
"She's not my friend," mataray kong sagot.
"I'm Rosalie Van Ginkel."
"I'm Austin." Sabay shake hands ng dalawa.
"And this is Hyden." Pakilala ni Austin sa katabi niya na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin pala sa akin. Kaya lang, hindi ko magawang kiligin sa titig na iyon dahil may umeeksena sa gabi ko! Gggrrr.
"It's nice to see you again, Hyden." At nakaka-buwisit lang dahil parang nang-aakit ang ngiti niya.
"Have we met before?" Mukhang hindi nakilala ni Hyden ang babaeng kaharap niya ngayon.
"Yes, at the coffee shop last week. Nakalimutan mo agad ako? Nakakapag-tampo naman. But it's okay, nakita naman kita ulit ngayon kaya ayos na sa akin iyon. I'm really glad that to see you here."
Ugh!!! Peeesssteee!!! Sino siya para yakapin ang Hyden ko?! Kung hindi lang talaga masasabing palengkera, nalagas na siguro ang buhok niya sa pagsabunot ko.
"Wow! You're being unfaithful to Heiley, dude." Bakit parang lasing kung magsalita si Jazzfer? Kanina pa siya umiinom ng C2. Nakakalasing na ba ang C2 ngayon?
Nanlilisik ang mata ko na tumingin kay Hyden. Natakot yata siya sa mukha ko dahil bigla niyang natulak si Rosas na mukhang espasol.
"Sorry." Humingi pa talaga siya ng sorry kay Rosas na lantang nabubulok na? Bagay lang sa kaniya ang itulak 'no.
"It's okay."
Ah. Okay lang pala ah. Eh kung ako kaya ang tumulak sa'yo. Okay pa rin kaya iyon?
Ugh. Nakakagigil talaga siya!
"Schoolmate ka ba namin? Hindi kasi kita napapansin dito sa school eh." Hyden asked.
"I'm not a student here."
"So, why you're here?" tanong pa ulit ni Hyden.
"Surprise!" Nagawa pang mag-peek-a-boo ni Rosas. Tsktsk. Ang corny.
"Ah. Okay," balewalang sagot ni Hyden. "Austin, nasaan nga pala si Shaun?"
"May pupuntahan lang daw saglit."
"Ikaw na bahala mag-text sa kaniya. Hindi siya puwede mawala nang matagal dahil may isa pa tayong i-pe-perform."
"Copy, Sir!" Sabay saludo na parang sundalo lang.
Nakita kong lumapit si Rose kay Hyden. "You're so handsome talaga, Hyden." Ang haliparot!!! She pinched my boyfriend's cheek! Hinawakan niya ang pisngi ni Hyden!
Never ko pang nakurot ang mukha ni Hyden tapos siya, gagawin niya iyon? Hinahamon talaga ako ng maldita na ito ah. Teka lang.
"I miss you, baby!" Sabay yakap ko nang mahigpit kay Hyden at halik sa pisngi. Hindi ako makakapayag na sapawan niya ako sa eksena ko. At mas lalong hindi ako papayag na gawin niya iyon sa boyfriend ko!
"I...... I m-miss you too, baby ko."
Niyakap ko nang mahigpit si Hyden para hindi na kumawala pa sa akin. Pinulupot ko pa ang braso ko sa leeg niya, para lang makaramdam ang bruha na hindi niya maaagaw kahit kailan si Hyden.
"Nandito ka lang pala." Napatingin ako sa apat ng babaeng sumulpot sa likod ni Rosas. Kilala ko ang isa sa kanila, si Carlyn.
"Hello, girls! May nakilala akong new friends here." Ang landi talaga, sobra!
Pinakilala niya sa amin ang mga kasama niya. Jean Kiley, Andrea, at Aubrey ang pangalan ng tatlo niyang kasama habang si Carlyn ay kilala na namin.
"Kaya naman pala. Nandito pala iyong lalaking nasa kuwarto mo eh," sabi ni Jean Kiley habang nakatingin kay Hyden.
Sinong nasa kuwarto? I murmured to myself.
"Siya ba iyon? Mas guwapo siya sa personal huh," komento naman ni Aubrey.
Ano pinagsasabi ng mga ito? Anong kuwarto? Sinong lalaki? Si Hyden ba tinutukoy nila?! Nasa ibang kuwarto si Hyden?! Nasa kuwarto ni Rose?! WTF!!!
"Sino ang nasa kuwarto?" Pati si Hyden ay halatang naguguluhan din sa pinagsasabi nila.
"Ah wala iyon. Nababaliw lang itong mga kasama ko." Singit ni Carlyn sa usapan.. "Um. Hi, Austin!"
"Hi, Carlyn."
"Ang galing mo kanina ah."
"Napanood mo pala kami. Mabuti naman." Halatang nahihiya si Austin na tumingin kay Carlyn.
Napapaisip talaga ako. Ano iyong binanggit nila na "Lalaki sa kuwarto ni Rosas?" Anong isyu na naman itong naririnig ko?!
Nag-usap pa sila ng ilang minuto kaya naman umalis ako sa pagkakayakap kay Hyden. Naramdaman niya iyon kaya tumingin siya nang may pagtataka sa akin. Hindi kasi ako interesado sa kayabangan na sinasabi ni Rosas kaya medyo lumayo ako ng kaunti sa kanila. Naiirita ako sa pagmumuka ni Rosas eh. Kahit half-dutch at half-filipino siya, para sa akin, mukha siyang mangkukulam at manananggal!!!! Malandi at haliparot!
"Sorry, guys, but we have to go."
"See you around, guys."
"Thank you, Hyden, for your time. Masaya ako dahil nagkita ulit tayo." Hindi pa siya nakuntento sa pagkurot sa mukha ni Hyden. Hinawakan pa niya talaga ang kamay nito! At ang mas lalong kinagulat ko ay ang sumunod na eksena!!!
HINALIKAN NIYA SI HYDEN!!!!!