30 ❤️

1736 Words
- HYDEN - "May gagawin lang ako. Hintayin mo na lang ako rito. Kain ka lang muna. Babalik din ako." Hinalikan ko siya sa labi at pumunta sa counter. Pagkaraan ng ilang minutong pakikipag-usap sa store manager ng coffee shop ay bumalik na ako sa puwesto namin ni Heiley. "Oh, bakit hindi ka pa umupo?" Takang tanong sa akin ni Heiley. Umubo muna ako bago ako naglakas loob na magsalita. "Para sa'yo 'to, baby ko." Sabay kindat sa kaniya. Tumingin ako sa limang service crew na nakangiti sa akin at lahat sila ay nag-okay sign. Maya-maya pa ay narinig ko na silang kinanta ang unang linya. "Halika na. Halika na. Halika na. Halika na." "Dito sa ating tagpuan. Ay nagsipagtanong ang mga hangin, nasan ka raw? Ang sagot ko ay sino, nagmaang-maangan, ako at kahit na alam ko naman, ang tinutukoy nila ay ikaw. Kasi 'pag naisip ka, mamimiss lang kita. Di makakatiis, makikipagbati. Kahit na wala akong mali." Hinawakan ko ang kamay ni Heiley at giniya siyang tumayo. "Please lang bumalik kana dito. Sorry na halika na dito. Sige na halika na dito, dito at dito. 'Wag na nating patagalin. 'Di ko na kayang tiisin. Miss na miss ka na as in. Ako'y pansinin." Habang kinakantahan ko siya ng kanta nila Sheyhee at Ann Mateo ay sinasabayan ko iyon ng sayaw. Nakakatuwa lang din kasi sinasabayan din ni Heiley ang galaw ko kahit na halatang nahihiya siya. Kakantahin ko na rin sana ang second verse pero naunahan ako ni Heiley. Alam din pala niya ang kanta! "Dito, sa bakanteng upuan. Ay nag-isa lang ako. Sa paligid ay nakatanaw. Alam mo kung sino, ang aking hinahanap? Obvious naman ang sagot, ayoko lang sabihin na ikaw. Kasi 'pag naisip ka, mamimiss lang kita. 'Di makakatiis, makikipagbati. Kahit na wala akong mali." Unti-unti ng dumadami ang tao sa loob ng coffee shop at wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila kaming dalawa. Halatang wapakels din naman si Heiley sa kanila eh. Sumabay na siya sa pag-duet sa akin pagsapit namin sa chorus ng kanta. "Please lang bumalik kana dito. Sorry na halika na dito. Sige na halika na dito, dito at dito. 'Wag na nating patagalin. 'Di ko na kayang tiisin. Miss na miss ka na as in. Ako'y pansinin." and this is my favourite, the rap session. "Itigil na natin ang away na 'to. Halika na dito sa tabi ko. 'Wag nating hayaan na dahil lamang sa maliit na bagay, malaki ang madulot sa gabi mo. Maghihiwalay dahil sa pride, bakit hindi mo 'yan ikuwento sa pagong. Kahit kanino pa diyan, sigurado ang bibig nila'y bumubulusong sa pananabon sayo. Hindi dapat ganoon, naku isipin mo ang panahong ako at ikaw ay magkasama. 'Wag ka na magtampo, ayoko na nang ganito. Kalimutan na natin ang nangyari kanina." "Hmmm pag-isipan ko." "Sige na, please! Bati na." Sa pagtatapos ng kanta─na hindi ko talaga inasahan na alam din pala ni Heiley, ay niyakap niya ako nang mahigpit. Ginantihan ko rin naman nang mahigpit na yakap si Heiley. "Bati na tayo huh. I miss you so much, baby ko. Babawi ako sa'yo para mawala na ang galit mo sa akin," I whispered to her ear. "Hyd," bulong niya rin sa akin habang magkayakap pa rin kami. "Hmmm?" "Parang wala ako sa sarili ko. Siguro...... na sa'yo ako." Niluwang ko ang pagkakayakap kay Heiley at tinitigan siya. "I love you, Hyd." Important note : Insert Flashback scene from Chapter 28 to Chapter 30. Final Flashback scene ends here. Thank you! ********** -HYD- Magpe-perform na lang kami ay si Heiley pa rin ang laman ng utak ko. May panahon pa talaga ako para magbalik-tanaw sa nangyari? Bago matapos ang gabing ito ay magtatapat na talaga ako. Peksman! Mamatay man si Leila De Lima! Laking pasasalamat namin sa mga kaklase namin na tumulong para sa suot namin ngayon. Mala-BIGBANG (KPOP GROUP)style lang dahil kinopya namin ang outfit nila. Colorful na jacket at jeans lang ang get-up namin pero ginaya namin ang hair style nila. Si Jazzfer, pinakulayan ng sky blue ang buhok gaya kay TOP. Ginaya naman ni Austin si Tae Yang at si Shaun ay si Seungri naman. Habang ako ay si GD syempre! Nagsimula ng tumugtog. Hudyat na ito na ang simula! HYDEN : Tumayo ka na, Simulan mo na. We gon party like. Tumayo ka na, simulan mo na. Merong himala. AUSTIN : Di ko alam kung pano ako mag-uumpisa. Sa angas ng iyong awra, alright. Kaya ngayon gusto ko ako'y iyong turuan, Turuang sabayan ang moves mo. SHAUN : Na na na na na na na. Wow galing mo baby. Dance... I wanna dance... Galing mo baby. Dance, I wanna dance. Wow Galing mo baby. HYDEN : Anong nangyari (hey). Bat walang masabi (hey). Sa tuwing ikay nakikita gusto ko ng race (wait). Gusto mo ng wild (huh?) Catch me on fire (huh).Sana di magkasala. Na na na na na na na. JAZZFER : At ngayon dalian at simulan mo ng bumilang ng 1 2 3. Gumalaw, sumayaw at gumiling ka ng mabilis (your so sexy). Huwag ka ng maging busy dahil ito ay party. At wang kang mababahala na ikay walang kasama dito lang kami. AUSTIN : Sumabay ka sa akin, lagyan mo ng accent. Dahil magdamag ang partying. SHAUN : I can't baby don't stop this. Huwag nang mag-inarte. Para maging happy, halika na... JAZZFER : Wow galing mo baby. Dance... I wanna dance... Galing mo baby. Dance, I wanna dance. Wow Galing mo baby. HYDEN : Boom shakalaka Boom shakalaka Boom shakalaka Dance. Boom shakalaka Boom shakalaka Boom shakalaka Dance. SHAUN : Halina, 'wag ng maging kawawa. Lahat gawin mong tama. Paminsan-minsan nga lamang ito. Mama, just let me be your lover. Mukhang nahuhulog. JAZZFER : Mula ulo hanggang paa ako'y may visual shock. Dahil sa lakas ng tugtog mukhang magiging hot. HYDEN : Kaya 'wag silang paharang-harang. Galaw nila'y walang laban. OM OM OM hold up. AUSTIN : Sumabay ka sa akin, lagyan mo ng accent. Dahil magdamag ang partying. SHAUN : I can't baby don't stop this. Huwag nang mag-inarte. Para maging happy, halika na... HYFERTINSHAUN : Tayo'y magsaya. Lahat ay tumalon na. Wala na sa saril. Sabay sabay mag party. Wow.. galing mo baby. ************ -LEY- "Nakaka-inlove ka talaga, Hyden. Galing mo, baby!" Nakikisigaw rin ako habang nagpe-perform sila. Grabe! Ang galing talaga ng moves nila, lalo na si Hyden. Gosssshhhh! Ang pogi-pogi talaga ng baby ko. Puro tilian ang ginawa namin ni Rojean kaya pagkatapos ng performance nila Hyden ay paos na kaming dalawa. "Ang galing nga talaga ng baby mo," biro sa akin ni Rojean. "Syempre! Boyfriend ko yata iyon." Sobrang proud ko lang. After their performance ay parang gusto ko ng tumakbo sa stage para lang salubungin ng yakap si Hyden pero hindi ko rin nagawa dahil sa sobrang dami ng babaeng nagkakagulo sa harapan namin. Hanggang sa makaalis na sila sa stage ay tulala na lang ako nakatingin sa likod ni Hyden na patungo sa back stage. Nakatalikod na siya pero ang gwapo-gwapo pa rin niya talaga! "Grabe! Ang galing talaga nila, girl." "Oo nga eh. Ang pogi pa ni Justin! Sobrang galing!" "Mas magaling naman ang Shaun ko 'no." "Mga ambisyosa! Si Jazzfer ang pinaka-hot sa kanilang apat. Walang binatbat ang Shaun at Justin niyo." "Basta ako, si Hyden ang pinaka-malupit sa kanila. Sobrang talented ng mahal ko. Malakas ang s*x appeal." Wapakels na lang ako sa naririnig ko. Ayos lang naman sa akin kung hangaan nila si Hyden. Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa kaniya? Bukod sa artistahing mukha eh, ang galing talaga sumayaw at kumanta. Sobrang kisig talaga ni Hyden habang sumasayaw at kumakanta sa entablado. Tanging siya lamang ang nakikita ko. Gusto ko ng sugurin sa back stage si Hyden at yakapin ng sobrang higpit. Gusto ko ulit sambitin sa kanya ang salitang "I love you, Hyden." Matagal ko na rin inaasam na marinig mula sa kaniya na mahal din niya ako. Pero naiinip na ako kakahintay. Ano pa ba ang dapat kong gawin para lang sabihin niya ang matagal ko ng gustong marinig mula sa kaniya? Nakakainis naman kasi 'yong panira ng moment na iyon eh! Hindi ko inaasahan na kakantahan ako ni Hyden pero mas lalong hindi ko inaasahan nang dahil sa kantang iyon ay masisira ang good mood ko. Bigla na naman sumingit sa memorya ko ang nakaka-pesteng eksena na iyon. ERASE! ERASE! ERASE! Dapat ko ng kalimutan iyon dahil nakakasira lang ng magandang mukha kapag naaalala koi yon eh. "Hey, bhez, alis lang ako saglit ah. Puntahan ko lang si Paul. I will text you later ah." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Nagpalitan na kami ng cellphone number kanina. "Sure..." "Don't forget about my favor ah. We will do the OPERATION JAZZFER MOVING ON!" Sabay taas pa ng dalawang kamay. "You're only kidding, right?" "Bakit naman ako magbibiro? I'm deadly serious about this. Gusto kong makitang masaya si Jazzfer sa tamang babae. Gusto ko lang naman maibalik ang dating pagkakaibigan namin kaya humihingi ako ng tulong sa iyo, bhez. Let's help Jazzfer to fall in love with the right girl. Please," she pleade. "Whatever." I just rolled my eyes. Sobrang kulit din pala ni Rojean. "Puntahan mo na kaya ang Hyden mo?" "Mamaya na lang. Tinatamad pa ako eh." "Sige ka, baka magsisisi ka kapag hindi mo pa siya pinuntahan," pananakot niya. Tiningnan ko siya ng masama na siyang tinawanan lang niya. "Joke lang. Sige, maiwan na kita. See you later na lang." Sabay halik sa pisngi ko. Napailing na lang ako kay Rojean. Pupuntahan ko na ba si Hyden o hindi? Sige na nga. Hindi na ako magpapakipot-kipot pa. Mapuntahan na nga at baka napagod dahil sa performance nila. Maalagaan muna ang mahal ko. Napangiti ako sa naisip ko. Wala, talagang kinikilig ako eh. Ang sarap kasi ma-inlove. "You seem so happy huh." Nanggaling ang boses na iyon sa likod ko kaya lumingon ako para alamin kung sino iyon. "We meet again. Such a small world, isn't it?" Hindi ko masyado maaninag ang mukha ng babaeng nagsasalita dahil madilim sa puwesto nito. "Do I know you?" I asked. Dahan-dahan lumakad papalapit sa akin ang babae. "I think so. But I'm confident that you won't forget this pretty face." Nang makalapit na sa akin ang babae, saka lang nasagot ang sarili kong tanong. Tama siya. Hindi ko pa nga nakakalimutan ang pagmumuka ng haliparot na iyan sa utak ko! *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD