36 ❤️

1829 Words
- HEILEY - "I know I should'nt feel this pero, nagseselos talaga ako." Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Kapag naalala ko kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa ay naiinis ako. Ngumingiti ka sa kaniya, kinakausap mo siya, tumatawa ka na kasama siya. Sobrang pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa'yo, simula pa noong mga bata pa tayo. Nadamay ka lang talaga sa galit ko kanila Red at Jp kaya sa'yo nabunton ang galit at inis ko. Pero alam ko na dapat hindi ko ginawa iyon. Sobrang naghirap ka nang dahil sa akin." "But, that was before. Noong panahon na sobrang pang-aasar at p**********p ang ginawa mo sa akin. Dati pa iyon, noong hindi ko pa kilala ang tunay na ikaw," sabay tungo. Awts! Bigla akong na-shy. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko. "I know I should'nt feel this pero, nagseselos talaga ako." Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Kapag naalala ko kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa ay naiinis ako. Ngumingiti ka sa kaniya, kinakausap mo siya, tumatawa ka na kasama siya. Sobrang pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa'yo, simula pa noong mga bata pa tayo. Nadamay ka lang talaga sa galit ko kanila Red at Jp kaya sa'yo nabunton ang galit at inis ko. Pero alam ko na dapat hindi ko ginawa iyon. Sobrang naghirap ka nang dahil sa akin." Buti alam mo. Balak ko sana sabihin kaya lang 'wag na, baka pumangit na naman ang aura. Mahirap na, baka matuluyan na ang bad vibes. Napayuko na lang ako. "Jezz, that was 1,000 years ago, Hyd. Why bring it up now?" Tumingin ako muli sa kaniya. "Lipas na iyon, Hyd." Hindi siya tumugon. Ang mata na naman niya, ibang klase na naman makatitig. Ayoko kapag ganoon ang mata niya eh. Tumingin na lang tuloy ako sa paa ko. "Ugh. Don't tell me you want me to apologize for such stupid thing? Okay, I'm sorr─" "Baligtad yata. Bakit ikaw ang humihingi ng sorry?" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang dahil sa narinig ko mula sa kaniya. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin? Galit ba siya o ano? Nalilito na tuloy ako. Nakita kong nilabas ni Hyden ang cellphone niya. Maya-maya pa ay may nagplay na music sa phone niya. Naku naman, harana portion na naman ang pe niya. Pero, tingin-tingin muna sa paligid. Baka may extrang makisali na naman. Alam na, baka biglang may another Rose na naman na sumulpot. "Alam ko, sa akin ay nagtatampo ka. Ramdam ko, kitang-kita sa'yong mga mata. Ang lungkot at ang inis. Namimis ko na ang I love you mo. Tingnan mo, 'di bagay pagnakasimangot ka. Mahal ko para sa akin ngumiti ka na. Alam mo na mahal kita. Namimis ko na ang I love you mo." Natatawa siya habang kumakanta pero halatang pinipigilan niya. Paano kasi, nilalagyan ko ng action ang bawat mensahe na sinasabi niya sa kanta. Mag-a-action ako ng malungkot tapos biglang maiinis then simangot naman saka kunyaring iiyak. "Sorry na, baby ko. 'Wag ka ng magtampo. Anumang nagawa ko sana'y patawarin mo. Sorry na, baby ko. 'Wag ka ng magtampo o mahal kita. Namimiss ko na ang I love you mo." He really mean that? He's really sorry? Well, he's forgiven. Hindi ko naman siya kayang tiisin. Pero gusto ko ang phrase na "Wag ka ng magtampo o mahal kita. Namimiss ko na ang I love you mo." Namimiss niya na ba talaga ang I love you ko? Gosh! Puwede bang magtago muna kahit saglit? Sisigaw lang ako. Kasi naman! Ang cheesy ni Fafa Hyden! Everyday na lang ako na-i-inlove sa kaniya. He really surprised me. I never heard that song. Siguro, nahagilap na naman niya iyon kay Jp? Kung kay Jp galing ang kanta na iyon, baka maging fan na rin niya ako. "Ang lyrics ng kanta ang message ko para sa'yo. 'Wag ka ng magtampo. 'Wag ka ng iiyak. 'Wag ka ng sisimangot. Wala kang dapat alalahanin kay Rose. Wala akong nararamdaman para sa kaniya kaya kalma ka lang, okay? Bati na tayo Am I forgiven?" "Okay, accepted!" masigla kong sigaw. Totoo nga ba talaga ang sinabi niya? I worried too much with nonsense reason. Paranoid kasi ako mag-isip eh. Pero hindi naman talaga mawawala sa akin iyon. Guwapo si Hyden. Talented pa. Kilalang campus hearthrob ng school namin. Halos lahat yata ng babae sa school ay may gusto sa kaniya. Pati nga siguro teachers at principal namin ay kinikilig sa kaniya eh. Sino ba naman ang hindi mag-aalala kung lahat ng nasa paligid ay karibal ko sa pagmamahal sa kaniya? Hay naku, bakit ba kasi nauso ang SELOS na iyan. Kung nakakamatay lang 'yan, naku, kanina pa siguro ako pinaglalamayan. Damn this insecurity! "Everybody loves you." Bigla ko na lang nasambit. "What did you say?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Errr... May sinabi ba ako? Wala kaya." Ano ba 'yan? Kung anu-ano na naman ang naiisip ko kaya kung anu-ano na naman lumalabas sa bibig ko. "Don't deny it. May sinabi ka. I think I heard it clearly, "Everybody loves you?" "Wala nga sabi eh. Guni-guni mo lang iyon." Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa venue. Binilisan ko ang paglalakad, gaya ng pagbilis ng t***k ng puso ko. Kailangan makabalik na ako sa loob dahil nasosobrahan na ako sa fresh air. Palakas na rin nang palakas ang tugtog na naririnig ko kaya malapit na rin kami sa basketball court. "Heiley!" Tumigil si Hyden sa harap ko at unti-unti niyang nilapit ang mukha niya. "Narinig ko iyon so don't change the subject. When you say everybody loves me, who is everybody?" he tease me. *********** -LEY- Pastilan naman oh. Kumakawala ang puso ko kapag ganitong sobrang lapit namin ni Hyden sa isa't-isa eh. Teka, kalma muna. Hingang malamim. In. Ex. In. Ex. "Sina Tita Alexa at Tito Kobi pati si Hazel." Sabay bilang sa kanang daliri habang nagpaikot-ikot ang eyeballs ko dahil ayaw kong salubungin ang seductive eyes ni Hyden. Okay, tatlo na silang nabanggit ko. Actually, hindi sapat ang mga daliri ko sa kamay at paa para mabilang kung ilan tao ang nagmamahal kay Hyden. "Three people aren't everybody. Hindi pa sapat iyan." "Si... Justin.... Hmmm si Shaun." Nakabukas ang kanang palad ko tanda na lima na ang nababanggit ko. Sino pa ba? "Si Jazzfe─" "Tapos ka na magbilang sa right hand mo, let me see who loves me on your left hand." Naduduling na ako kakatingin sa mata ni Hyden. Sobrang lapit na. Two inches na lang yata ang layo ng mukha niya sa mukha ko eh. Kapag sinaniban ako, hahalikan ko 'to eh. "Naghihintay ako. Sino pa?" I closed my eyes. I raised my left hand. "Me! Heiley loves Hyden," sabay kagat labi. Tama ba ito? I-broadcast ko na sa while wide world na mahal ko si Hyden? I slowly open my left eye then my right eye para lang makita ko ang nagpipigil na pagtawa ni Hyden. "You're funny. This is the first time I've seen someone raise their hand for that." "Pisti! Pagtripan ba ako? Dapat pala hindi ko na lang ginawa iyon." Kainis! Ibababa ko na ang kamay ko nang bigla niyang pinigil ito. Nagtaka tuloy ako. Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng kamay niya para abutin ang kamay ko. Ganap nang magkahawak ang kamay namin habang nakataas ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay niya. Sumilay ang ngiti sa mga labi niya. "Don't be mad, baby." Niyakap niya na naman ako. "Your love for me makes me happiest man in the whole wide world." OMG! Napapaiyak na naman ako sa kakiligan! "I love you, Ley," bulong niya sa tainga ko. Mag-cocollapse na yata ako. "Please tell me that you love me too. Nami-miss ko na ang "I love you" mo." Nakakakuryente ang boses ni Hyden sa tainga ko. Niyakap ko siya at bumulong ng "I love you too, Hyd. ***** Alam mo bang may gusto ako sabihin sa'yo. Magmula nang nakita ka'y naakit ako. Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko, ang pangarap ko. Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sa'yo, dahil simple lang ang pangarap ko, mahalin ng katulad mo, sana ay mapansin mo. Dahil simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko, simpleng tulad mo, La la la la Wala na nga kong mahihiling pa kundi ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Sa simple na katulad mo ang buhay ko'y kumpleto na. Ikaw lang sinta. Woooh Kaharap ko ngayon si Hyden. Kinakabahan ako at nahihiya tumingin ng deretso sa mga mata niya. Pero nagsusumigaw ang puso ko para sa lalaking kaharap ko ngayon. Kaya naman gusto ko ipaalam ang wagas kong pagmamahal sa kaniya. "H-Hyden, alam kong hindi naging maganda ang alaala natin noong mga bata pa tayo. Pero hindi naging sagabal iyon para magustuhan kita. Gusto kong malaman mo na ikaw lang ang lalaking minahal ko ng ganito." With full of emotion ang drama ko sa kaniya. Eh sa sobrang mahal ko siya eh. Natural na lumabas na lang sa bibig ko iyon. Hindi naman masyadong cornick 'di ba? Grabe. Ang sarap talaga titigan ng magagandang mata ni Hyden. Super inlababo na talaga ako sa kaniya. "Ma-Mahal kita, Hyd." Habang binibigkas ko sa kaniya iyon ay patuloy ang pagtugtog ng kantang kanina ko pa naririnig. Kinanta ni Hyden iyon noong gabi sa acquitance party. Nagkaroon pa nga ng palpak na eksena dahil nawala bigla ang cd tape na ginamit nila. Hindi ko alam kung may sumabotahe kasi naroon pa iyon noong first performance nila tapos bigla na lang nag-disappear. But we have this famous line na "The show must go on" kaya naman kahit nag-disappear ang cd tape ay patuloy pa rin tayo sa eksena. Nagkaroon nga lang ng pagbabago dahil imbes na apat silang kakanta ay nagpaubaya na ang dalawang maligalig na sina Justin at Shaun. Si Jazzfer, wala na talaga sa huwesyo kaya hindi na kinayang magperform. Tulog na raw sa classroom kaya pinabayaan na nila. Si Hyden na lang ang kumanta sa stage, acapella style. At sobrang kilig to the bones talaga ako nang kinanta iyon ni Hyden with matching emotional speech pa bago bumanat sa pagkanta! Nakahinga ako nang maluwang nang malaya kong nasabi ang gusto ko iparating sa kaniya. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti sa sobrang kasiyahan na nadarama ko. "I can't believe you said that," seryoso ang mukha ni Hyden. Biglang nagkaroon ng cracking sound ang background music sa narinig ko mula kay Hyden. Teka, bakit ganoon ang reaksyon niya Sobrang seryoso na nakakatakot? May problema ba sa sinabi ko? Kakaltukan ko ito kapag nag-inarte pa ito eh. Ang dami ko na ngang pinagdaanang hirap marinig ko lang ang pinakamatamis na salita tapos magdadrama na naman siya ng ganito. Ang dami na ngang umekstra sa love story namin kaya hindi ako makakapayag na mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ko! Naku, umayos ka lang talaga Hyden. ***** Featured Music Video : Simpleng Tulad Mo by Mm and Mj Magno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD