Nakahinga ako nang maluwang nang malaya kong nasabi ang gusto ko iparating sa kaniya. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti sa sobrang kasiyahan na nadarama ko.
"I can't believe you said that," seryoso ang mukha ni Hyden.
Biglang nagkaroon ng cracking sound ang background music sa narinig ko mula kay Hyden. Teka, bakit ganoon ang reaksyon niya Sobrang seryoso na nakakatakot? May problema ba sa sinabi ko? Kakaltukan ko ito kapag nag-inarte pa ito eh. Ang dami ko na ngang pinagdaanang hirap marinig ko lang ang pinakamatamis na salita tapos magdadrama na naman siya ng ganito.
Ang dami na ngang umekstra sa love story namin kaya hindi ako makakapayag na mapunta lang sa wala ang pinaghirapan ko! Naku, umayos ka lang talaga Hyden.
"B-Bakit, Hyd? May m-masama ba sa sinabi ko?" nauutal kong tanong sa kaniya.
Kahit anong tapang ko sa panglabas ay naroon pa rin ang pangamba ko na baka panaginip lang ito. Baka niloloko na naman ako ng tadhana. Mas kinabahan ako ngayon kumpara kanina. Nakaramdam ako ng takot sa puso ko.
"Hyden..." Wala na akong maisip na puwede pa sabihin. Parang naduwag bigla ang dila ko.
"Wala naman. Ako kasi dapat ang unang magsabi niyan. I think, before you loved me, I already loved you."
Teka, I need oxygen! I can't breath! HELPPPPPP!!!!
Bumalik na ulit sa tamang sirkulasyon ang tugtog na kanina ko pa naririnig.
"Ley, I want you to be my girlfriend. Seryoso na 'to. Tama na ang pagpapanggap pagka't, seryoso na ito. Dahil hindi na biro ang lahat."
OH MY! Para akong napunding ilaw na biglang lumiwanag ng sobrang kislap! Totoo ba talaga ang narinig ko
"Ah..." Na-speechless na ako.
"I want you to be my girlfriend, Ley," pag-uulit niya.
Grabeeee! Sa sobrang saya ko ay niyakap ko siya nang sobrang higpit! Iyon bang hindi na siya makakawala pa sa akin. Sa akin lang si Hyden Reyes! Walang puwedeng humadlang sa pagmamahalan namin.
Kaya sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sa'yo, dahil simple lang ang pangarap ko, mahalin ng katulad mo, sana ay mapansin mo. Dahil simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko, simpleng tulad mo, La la la la
Para akong nasa langit! Ang sarap ng feeling. Ang ganda-ganda pa ng back ground music namin ni Hyden. Feel na feel ko ang pagmo-moment na kayakap siya. Ang lambot. Sarap ka-hug ni Hyden. Parang gusto ko ng palitan ang unan ko sa bahay. Iuuwi ko na si Hyden sa amin para gawing unan ko.
Hahaha. Ang lukaret ko talaga.
I'm in the middle of kakiligan when I heard a noise. May panira na naman yata ng moment ko ah. Tapos istorbo pa iyong nangangalabit sa akin. Sino ba ang istorbo na iyon? Bulag ba siya para hindi makita na kayakap ko ang boyfriend kong sobrang pogi?! Ugh! Wala siyang mata!
Panay pa rin ang kalabit niya. Nang biglang nasira ang soundtrip ko dahil nakarinig ako nang malakas na kalabog.
"Is this class too boring for you, Ms. Santos?"
Namamalik-mata yata ako. Si Ma'am ang kumalabit sa akin? Ang panira sa love story namin ni Hyden?! Teka, bakit ba siya nandito?
Peeesteeecide! Binabangungot na naman ba ako?!
-LEY-
Grabe. Nagawa ko pa talagang matulog dito sa klase. Talagang babangungutin nga ako.
Magkayakap kami ni Hyden. Nasa maganda kaming lugar, sa taas ng bundok at napapaligiran kami ng naggagandahang mga bulaklak. Nakasuot ako ng lavender dress at si Hyden naman ay lavender polo and black slack.
Ang ganda ng bangungot ko kanina.
"Sit properly, Ms. Santos." At lumayo na sa harap ko si Ma'am.
Nang makalayo siya ay may narinig akong nagsalita.
"Ang layo na yata ng narating mo, Heiley." Napatingin ako sa bandang kanan ko. Si Justin ang nagsalita. May dalawa kaming kaklase na nakapagitan sa amin ni Justin.
"Nananaginip ka ba?" Napatingin naman ako sa likuran ni Justin, si Shaun naman ang nakisabat.
Hindi ako kumibo. Tahimik ko lang silang pinagmasdan nang may tinuturo silang dalawa. Hindi ko maintindihan kung ano.
"Ano?" pabulong kong tanong sa kanila.
Biglang tinuro ni Justin ang bibig niya. Noong una, hindi ko ma-gets pero kalaunan naintindihan ko rin.
Peesteeecide!
Napahawak ako bigla sa bibig ko. Wala naman akong nakapang malagkit sa palibot ng bibig ko. Walang bakas ng kahapon.
Pinagti-tripan ako ng dalawang ugok ah. Marahas akong tumingin sa kanila. Nagkunyaring busy-busyahan sa pagsusulat sa mga notebook nila.
"Ugh! Lakas trip kayo ah."
"Anong ingay naman iyan, Ms. Santos?" Tanong ng mataray naming teacher na hindi pa naman katandaan kaya lang nagmumukhang old maid dahil laging nakasimangot.
Napatikom agad ang bibig ko. Bakit ang daming eksenang ngayong umaga?
Napatingin ako sa desk ko nang biglang may nagtapon ng papel sa ibabaw nun. Binuksan ko ang gusot na papel at binasa ang nakasulat.
Have you seen a person with a killer smile? Innocent eyes, sweet face and devastating s*x appeal? Sa tagalog, NAKITA MO NA BA AKO? From your handsome boyfriend, Hyden.
Tumingin ako sa bandang kaliwa ko para lang magpigil─hindi sa kakiligan kundi sa katatawanan.
Anong kaichurahan ang gustong iparating sa akin ni Hyden? Ang kaniyang mukha na pinipilit maging pangit kaya lang kahit anong gawin ni Hyden na papangitin ang kaniyang mukha ay hindi pa rin nabawasan ang kapogihan. Kung ano-ano ba naman kasing funny and ugly facial expression ang pinapakita sa akin.
Dahil hindi ko na napigilan ay sumambulat sa buong classroom ang malakas kong tawa na hindi ko pa yata nagagawa sa labinpitong taong paninirahan ko sa mundo ni mother earth.
"Get out of my classroom, Ms. Santos!" Napatigil na lang ako sa pagtawa nang makita kong may bumato ng chalk kay Hyden. "And you, Mr. Reyes! GET OUT!!!"
*****
-HYD-
Kasalukuyan kaming naglalakad papunta sa hindi namin alam kung saan talaga kami pupunta. Tumaas ang dugo sa amin ni teacher kaya pinalabas kami ng classroom. Kami lang ang estudyanteng naglalakad sa malawak na open field ng eskwelahan habang ang ibang estudyante ay abala sa loob ng classroom.
"Ano ba kasi ang napaginipan mo kanina?" tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin at napansin ko na namula bigla ang mukha niya. "A-Ano kasi. Ah."
"Sino ba ang nasa panaginip mo?" Panghuhuli ko pa sa kaniya.
"Adik! At sino naman sa palagay mo ang mapapaginipan ko?" Tonong naggalit-galitan pa siya.
"Hmmm, ako ba iyon?"
"Kapal! Sino ka naman para mapaginipan ko?" Nagulat naman ako sa reaksyon niya.
"Bakit? Hindi ba ako karapat-dapat mapasama sa panaginip mo? Oh baka naman my ibang tao na gusto mong makasama sa panaginip mo?" Napatingin siya nang may pagtataka sa akin.
"Anong kakornihan na naman 'yan, Hyd? 'Wag mong sabihin na nagseselos ka pa rin kay Jazzfer?"
Nakakainis! Ganito pala ako kaseloso? Pinagseselosan ko ang kaibigan ko. Kasi naman, kapag naaalala ko ang eksenang naabutan ko na kasama niya si Jazzfer, naiinis ako. Kahit pa na kaibigan ko si Jazzfer ay hindi ko talaga mapigilan ang hindi mainis dahil alam kong si Jazzfer naman ang una niyang nagustuhan eh. Second choice lang ako.
Speaking of Jazzfer, absent nga pala ang taong iyon. Nag-text naman siya na hindi papasok dahil may sakit daw. Noong Saturday morning pa namin siya nakitang lugmok sa kalasingan after the acquitance party. Hindi ko alam kung hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka-move on kay Rojean. Nilagnat siguro dahil sa ginawang pagpapaasa ni Rojean sa kaniya. Heart broken na nga iyong tao, may sakit pa, tapos kung anu-ano pa ang iniisip ko.
"Wala, kalimutan mo na iyon." Na-guilty naman ako kaya binilisan ko na lang ang lakad ko.
Nasa likod ko lang siya at naramdaman kong binilisan din niya ang lakad niya. Nang bigla akong tumigil ay naramdaman kong napasubsob siya sa likod ko. Bigla niya akong hinampas sa likod.
"Ba't ka biglang tumigil?" Lumingon ako sa kaniya at seryosong tumingin sa kanya. "Ang sakit tuloy ng ilong ko." Hinawakan niya ang maganda niyang ilong habang masamang nakatitig sa akin.
Ayoko ng ganitong pakiramdam. Feeling ko ay hindi pa ako secured sa puso ni Heiley.
"Do you really love me?"
Napatigil sa paghawak ng ilong niya si Heiley. Napataas ang isang kilay niya. Lumapit siya at sinapo ang noo at leeg ko.
"Wala ka naman lagnat para mag-drama ng ganiyan. Ano bang mayroon, Hyd? Okay ka lang ba?"
Hinawakan ko ang kamay niya at nilapit ito sa labi ko. Wala na akong paki kung makita kami ng ibang estudyante. Wala akong paki kung corny man ang sasabihin ko.
"Ito lang ang gusto ko sabihin sayo, baby. Asahan mong lagi akong nasa tabi mo at kahit anong pagsubok, nandito lang ako sa tabi mo, hinding-hindi kita iiwan." Napangiti naman siya.
"Awww. You're so corny talaga, but that was really sweet Lalo tuloy ako nai-inlove sa'yo."
Lumuwang ang ngiti ko sa narinig. "Eh 'di, ako nga ang napaginipan mo kanina?"
"Tse! Ang kulit mo! Bakit ba gusto mo malaman kung ikaw ang napaginipan ko?" Bigla na naman siya napasimangot.
"Eh kasi naman, nakaka-curious kaya iyon. Bakit ang haba ng nguso mo kanina?"
"Anong pinagsasabi mong mahaba ang nguso?!"
Natawa naman ako dahil humaba nga ang nguso niya. "Sabihin mo na kasi eh. Nag-kiss ba tayo sa dream mo?" Sabay kiliti sa baywang niya.
"Your so kapal talaga!"
"Sige ka, kapag hindi ka umamin, ipagkakalat ko sa buong campus ang picture mong mahaba ang nguso."
Nilabas ko ang aking cellphone at pinakita sa kaniya ang picture niyang 3 inches yata ang haba ng nguso.
"Ugh! Hyden! Delete that photo!" Tumakbo ako nang tangkain niyang agawin sa akin ang cellphone.
"Hangga't hindi mo sinasabi iyong gusto kong marinig, hindi ko ito idedelete."
Patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko talaga ito idedelete kapag hindi pa siya umamin sa akin. Alam kong may pagka-childish talaga ako minsan, pero nagiging ganito lang naman ako kapag kasama ko si Heiley eh.
Tumigil ako sa pagtakbo at lumingon. Hindi pala sumunod sa akin si Heiley.
"I LOVE YOU!" Narinig kong sigaw niya.
"PAKIULIT!" Sinagot ko rin siya nang pasigaw.
"LUMAPIT KA RITO KUNG GUSTO MO PA ULIT IYON MARINIG. 'WAG MO AKONG PAHIRAPAN SA PAGSIGAW! MAGSISILABASAN ANG MGA ESTUDYANTE KAPAG HINDI KA LUMAPIT!"
Natawa ako sa sinabi niya. Super lakas ba talaga nang sigawan namin para magsilabasan sila? Eh super layo kaya ng open field sa mga building kaya kahit gaano pa kalakas ang sigaw namin ay hindi kami maririnig ng mga iyon.
Kakaiba talaga ang babaeng ito. Siya na talaga! Wala ng iba pa ang nararapat sa akin kung 'di si Heiley Santos lang.
Lumakad ako papalapit sa kaniya.
"Game," sabi ko sa kaniya.
"Maglalaro tayo?" tanong ni Heiley.
"Sabi mo lumapit ako dahil may sasabihin ka."
"Ano nga ba ang sasabihin ko?" Gusto niyang magmukhang seryoso kaya lang ay natatawa naman siya.
Natatawa yatang pagtripan ako. Pero ayos lang, mahal ko siya kaya kahit magmuka akong tanga sa paningin niya ay ayos lang, basta makita ko lang ang ngiti niya.
Hindi ako nagsalita. Matiyaga akong naghintay sa sasabihin niya. Mukhang nakahalata naman siya kaya tumigil na siya sa pagtawa. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nakipagtitigan siya. Maya-maya pa ay mukha naman niya ang nilapit niya sa akin.
"Isusulat ko sa malaking kahoy na MAHAL KITA tapos ihahampas ko sa'yo para damang-dama mo talaga." Saka siya ngumiti.
Niyakap ko siya ng sobrang higpit at tinapat ang bibig sa tainga niya para bumulong. "Alam mo ba kung bakit naghihirap ang Pilipinas?"
"Hindi. Bakit nga ba?" Narinig kong sagot niya.
"Kasi, nagmamahalan tayo ng wagas."