CHAPTER 48 -LEY- Natatawa yatang pagtripan ako. Pero ayos lang, mahal ko siya kaya kahit magmuka akong tanga sa paningin niya ay ayos lang, basta makita ko lang ang ngiti niya. Hindi ako nagsalita. Matiyaga akong naghintay sa sasabihin niya. Mukhang nakahalata naman siya kaya tumigil na siya sa pagtawa. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Nakipagtitigan siya. Maya-maya pa ay mukha naman niya ang nilapit niya sa akin. "Isusulat ko sa malaking kahoy na MAHAL KITA tapos ihahampas ko sa'yo para damang-dama mo talaga." Saka siya ngumiti. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at tinapat ang bibig sa tainga niya para bumulong. "Alam mo ba kung bakit naghihirap ang Pilipinas?" "Hindi. Bakit nga ba?" Narinig kong sagot niya. "Kasi, nagmamahalan tayo ng wagas." ********** Tambay lang ako rito buo

