- HYDEN - "I'm not convince. Alam kong may bumabagabag sa iyo. Sabihin mo ang totoo, hindi naman ako magagalit eh." Tumingin siya sa kabilang side at iniwasan ang titig ko. Sa mga lumipas na araw ay nakikita ko talaga ang pagiging inactive niya sa activity namin. Topakin at madaling ma-high blood pero ganoon pa man, ay iniintindi ko siya dahil mahal ko siya. "Ayaw mo ba sa plano ko?" "S-Sorry." Tumingin ako sa kaniya at nakita kong parang maluha-luha na siya. Ano na naman ba ginawa ko? "Ley..." "Gusto mo talaga malaman kung bakit nagkakaganito ako?" Pinipigilan niyang umiyak kahit halata na namumula na ang mata niya at nagbabadyang tumulo ang luha sa mga mata niya. "Galit ka ba, Heiley? Ano ba talaga iyon? Hindi mo ba alam na pinag-aalala mo na ako sa pinapakita mo nitong mga n

