- HEILEY - First day of Foundation Day. Masaya kaming naglilibot sa buong school ni Rojean. Pinuntahan niya ako kanina sa classroom at halata ang pagmamadali sa kilos niya. Good timing siya dahil tapos na rin kami sa pag-aayos ng mga kakailanganin para sa "obra" kuno nila Hyden. Pinagpaalam ako ni Rojean kay Hyden at pumayag naman kaya hinila agad ako palabas ng building. Nakakatuwang pagmasdan ang school na puno ng colorful decoration. Lahat ng estudyante na makasalubong namin ay nakangiti or nakatawa. Pati ang mga teacher namin ay naging masaya sa kinalabasan ng Foundation Day namin. Nag-imbita rin kami ng mga outsider and other students from other school kaya naman mas maraming tao ngayon kumpara last year. At kakaiba ang feeling ko ngayon. Hindi katulad sa past three years of my st

