EnjoyReading:) MASAMA padin ang timpla ni Maika ng bumalik sila ni Lise sa bahay. Ang nag iisang bahay sa isla. Nakita agad niya si Mateo at Nicxon sa labas ng bahay. Naalala pa niya ang pagtawag ni Mateo kay Nicxon sa ibang pangalan. Kael. Who is Kael? Nasa pangalan ba ito ni Nicxon? Bakit hindi ko man lang nalaman? Hindi ko pa nga talaga siya kilala. “Thank God, umuwi na din kayo? Nagsabunutan ba kayo? Saan kayo galing?” Maraming tanong ng asawa ni Lise. Napairap nalang siya sa hangin habang nakatingin sa mag asawa. Gusto na niyang umalis sa islang ito! Naiinis siya sa mga kasama niya, feeling niya ay anytime lolokohin lang siya ng mga ito. Lalo na si Lise, ngayon masasabi niya may kaparehas na siyang babae. Kanina pa tanong ng tanong sa kanya si Lise. Alangan naman na sabihin niy

