EnjoyReading:) HINDI alam ni Mateo kung bakit siya ngayon nakangisi habang nakatingin kay Nicxon na lasing na lasing dahil sa dami ng ininom na beer. “Anong gagawin natin dyan sa kaibigan mo? Saan siya matutulog? Iisa lang ang kwarto dito. Hindi naman pwedeng siya ang magsakripisyo, siya naman ang may ari ng resort na ito.” Sabi ni Lise na nasa tabi niya ngayon. Umakbay siya sa asawa niya at humalik sa gilid ng noo nito. “Hayaan mo siya dito sa sala. Tayo naman ang bisita kaya dapat tayo ang nasa kwarto. Tsaka hindi ko naman hahayaan na matulog ka dito sa sofa.” Sabi niya habang nagpipigil padin ng tawa dahil sa itsura ng kaibigan niya. “Nagpapakilig ka ba mister?” Nakataas kilay na tanong ni Lise sa kanya. Mas lalong napangisi si Mateo at hindi niya mapigilan na humanga pa lalo sa a

