EnjoyReading:) MASAKIT ang ulo ni Nicxon ng magising siya. Naamoy agad niya ang pamilyar na amoy ng pabango ni Maika. Kaya bumangon siya at bigla nalang napahiga ulit ng makaramdaman ng sobrang pagkahilo. Nakakunot noong nakapikit siya. Alam na niya agad na nasa kwarto siya ni Maikaela. Hindi niya alam kung paano siya nakapunta dito. Ang iniisip niya ay si Amarah lang. "Baby! Gising na." Napamulat siya ng mga mata ng marinig ang boses ni Maika. Bumangon siya kahit sobrang sakit ng ulo niya. Naramdaman nalang niya ang pagbaba ng tray sa paanan niya at naramdaman ang paghaplos sa mga pisngi niya ni Maika. "Masakit ba ang ulo mo? Kumain ka muna tsaka magkape para mabawasan ang sakit." Sabi nito at humalik sa noo niya. Hindi nalang pinansin ni Nicxon ang pagbabago ng pintig ng puso niya.

