EnjoyReading:) MAAGANG nagising si Nicxon at napangiti siya ng hindi namamalayan ng maramdaman ang yakap ng kasintahan. Pinatahan niya ito kagabi dahil hindi matanggap ni Maikaela na nagkapasa siya sa pisngi. Nakipag-away ito sa apat na babae. Hindi niya talaga alam kung saan nanggagaling ang tapang nito. Ganito na siguro ang pagpapalaki ng magulang nito sa kanya, ang maging palaban kahit kanino. Aalisin niya sana ang pagkakayakap ng braso at pagkakayakap ng isang hita nito kaso narinig niyang tumunog 'yung phone ni Maika sa bedside table. Kinuha niya 'yun dahil abot naman niya. My Toy 34 Babe, comeback to me now. Namimiss na kita at hindi ko talaga kayang mawala ka. Ayos lang kung maging laruan mo ako. Isa sa mga koleksyon mo. Pero please, bumalik ka na sakin. I love you so much.

