Ilang sandali pa ang hinintay nila bago dumating ang pagkain na pinaluto ng mommy ni Zach sa kanilang personal chef dito sa hotel. Halos lahat ng paborito ni Zach na Filipino food ang pinaluto ng mommy nito ayon na rin kay Zach, samantalang dalawa lang naman sila kakain. May crabs, lobster, chicken curry, Menudo, and vegetable salad. "Bakit ang dami naman yata ng pinaluto ng mommy mo? Pang buong pamilya ang kakain niyan eh, mauubos ba natin ito?" tanong ni Nikki. "Okay, lang kung hindi maubos basta kumain ka na lang nang kumain." nakangiting ani ng binata. "Hindi ako malakas kumain, kaya paniguradong masasayang lang ito," aniya ng dalaga sa mababang boses. "Hindi ito masasayang, I will put it in a lunchbox and when we get home I will give it to the homeless children," nakangiting sab

