Para kay Nikki masyadong boring na ang buhay niya. Sa bahay at eskwelahan lang umiikot palagi ang araw niya. Siguro oras na para ma-explore din niya ang labas. Nagbihis si Nikki at balak niyang lumabas. Tulad ng dati skinny jeans at t-shirt lang din ang suot niya. Bumaba siya at nagpaalam sa mga magulang niya na papasyal lang sa mall dahil na bo-boring na siya. "Buti naman naisipan mong lumabas Anak, mas okay nga na ganyan habang bata ka pa i-enjoy mo, as long as wala ka naman ginagawang masama," Sabi ng kanyang Ina. "I just feel bored Mom, kaya ko naisipan lumabas Hindi ko naman po ito aaraw-arawin," sagot ng dalaga. "It's ok Nikki, and bumili ka na rin ng mga damit mo.," Sabi naman ng kanyang a Ama, sabay abot ng card nito. "Buy whatever you want to buy," nakangiting Dagdag pa nito.

