CHAPTER 31

1746 Words

Maagang nagising si Nikki dahil ayaw niyang maulit na naman ang nangyari sa kanya kahapon na naghahabol sa oras. Bumaba siya at dumiretso sa kusina para magtimpla ng gatas. Hindi palautos ang magkakapatid lalo 'pag alam nilang kaya naman nila itong gawin. Nadatnan nitong nasa kusina si Nanay Jerr at mukhang nagluluto na ng almusal dahil na rin sa aromang naaamoy na niya. Napansin nito na malaki ang pinayat ni Nanay Jerr dahil na rin sa halos isang linggo itong nagkasakit. "Good morning Nanay Jerr," Nakangiting bati niya. "Kamusta po kayo?" tanong niya habang malapad na nakangiti. Na miss niya ito lalo na ang kulitan nilang dalawa dahil nu'ng mga panahon na wala ito ay si Amor naman ang nakaka-kwentuhan niya. Mabait si Amor masayahin din pero iba kasi pag si Nanay Jerr ang kasama niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD