Isang buwan na ang lumipas simula nang piniling kalimutan ni Nikki si Zach. Ayaw na nitong balikan ang mga araw na kasama ang binata. Mga araw na pareho silang masaya at walang problema. Pero kahit ano'ng pilit nitong kalimutan ang binata, hindi pa rin siya mawala sa kanyang sistema. Nakaupo s'ya ngayon sa harap ng mini bar sa kanilang bahay na s'yang tambayan din ng kanilang ama pag pagod galing trabaho. Doon naglalagi ang kanilang ama at minsa'y umiinom din ng alak. Gustong masubukan ng dalaga ang isa sa mga collection ng daddy n'ya, baka sakaling mamanhid ang utak n'ya at tuluyang makalimutan si Zach. Maraming alak ang nakahilera at hindi niya alam kung alin sa mga iyon ang susubukan. Meron Black Labels, Smirnoff, Jack Daniels, Hennessy, Bacardi, at marami pang iba. At dahil wala nama

