" Pakawalan mo ang aking anak, Rowena! " nauutal na sambit ni Althea sa kanya. " Hala! Ayaw ko nga! Ikaw ang unang nakipaglaro sa akin kaya ipagpapatuloy natin ang nasimulan mo! " pagtanggi ni Rowena kay Althea. Napalunok ng laway si Althea dahil sa sinabi ni Rowena sa kanya, " Anong sinasabi mo na ako ang nagsimula? Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito! Binalak mo akong ipapatay! " sagot ni Althea sa kanya. NArinig niyang tumawa nang malakas si Rowena mula sa kabilang linya. Para itong isang demonyong babae na tumatawa. " Seryoso ka, Althea? " tumatawang tanong ni Rowena sa kanya. " Sa pagkakaalam ko, set-up mo lang ang lahat ng iyon para masolo mo si Xander! Ginawa mo iyon para makalapit ka sa kanya at mapagbintangan mo ako! " may galit na sambit ni Rowena sa kanya. Napatigil s

