" Hindi ako, kundi ang boss ko, Rowena! " sagot ng lalaki kay Rowena. Pinagmasdan ni Rowena ang mukha ng lalaki. ' Parang nakita ko na siya! Saan ko ba siya nakikita noon? ' tanong ni Rowena sa kanyang sarili. " Bakit may problema ka ba, Rowena? " nakangising tanong ng lalaki sa kanya. " Magkakilala ba tayo? Kilalang kilala mo ba ako? " mga tanong ni Rowena sa kanya. " Syempre naman! Ikaw ang pangalawang asawa ni Sir Xander! " sagot niya na nakangisi. Namumukhaan niya ang lalaki na tauhan siya ni Xander pero hindi niya alam ang pangalan nito. Nakatitig lamang siya sa lalaki at inaalala kung sino nga ba siya pero wala, wala siyang maalala! Napailing na lang ang lalaki dahil alam niyang minumukhaan siya ni Rowena kaya nagpakilala na lang siya. " Ako si David, Rowena. Isa sa tau

