" Sorry po sir pero nagkakamali po kayo, " nakayukong sambit ni Manang Carina. Pilit na isinasara ni Manang Carina ang ointo ng kanyang kwarto pero mas malakas si Victor kaya hindi niya magawa. " Tumanda man tayo, Mylla, kumulubot man ang ating balat, nagbago man ang pisikal nating kaanyuhan, makikilala at makikilala pa rin kita! " sabi ni Victor kay Manang Carina. " Nagkakamali po kayo, Sir. Hindi po ako ang sinasabi niyo. Hindi po kita kilala! " pagtanggi ni Manang Carina sa kanya. Inilapit ni Victor ang isa pa niyang kamay sa mukha ni Manang Carina habang ang isa ay nakahawak sa pinto. Hinawakan niya ang kanyang baba at inangat ito na siyang nagdahilan para magkatitigaj sipang dalawa ni Manang Carina. " Bakit ba ayaw mong umamin Mylla? Galit ka ba sa akin dahil smginawa ko? Da

