" Siya ba ang sinasabi mo sa akin, Rod? " nakangiting tanong ng kuya ni Senior Rodrigo sa kanya habang nakatingin kay Alhea. Ngumiti lang si Alhea sa kuya ni Senuor Rodrigo. Alam niya kung ano ang ibig niyang sabihin na siya ang babaeng mahal ni Senior Rodrigo. " Hindi kita masisisi kasi napakagandang babae pala niya! " komento ng kuya ni Senior Rodrigo. " Salamat po, " may hiyang pasasalamat ni Alhea sa kanya. " Ako nga pala ang kuya ni Rod, Althea. Tawagin mo na lang akong Kuya Victor, " pakilala ng kuya ni Senior Rodrigo sa kanya. " Kinagagalak po kitang makilala, Kuya Victor! " sabi ni Alhea sa kanya. Inabot niya ang kanyang kamay para makipagkamay. Tinignan ni Victor ang kamay ni Alhea at hindi nagtagal ay inabot niya rin ito. " Uminom na po muna kayo habang hinahanda ni

