" Sabihin mo na lang sa akin kung ano man iyang sasabihin mo, Althea. Pinapangako ko na hindi magbabago ang damahan natin, " sabi ni Senior Rodrigo kay Alhea. Alam na ni Senior Rodrigo kung ano ang sasabihin ni Alhea sa kanya. Ayon sa mga kinikilos niya, sa mga tingin niya at sa kanyang pananalita pero kung tama siya ng hinala, hindi siya basta basta susuko kay Alhea. Matagal na napayuko si Alhea. Natahimik siya dahil ramdam niya na alam na ni Senior Rodrigo kung ano ang sasabihin niya. Dahil doon ay hindi niya alam kung paano siya magsisimulang magsalita. Ilang saglit pa, naramdaman ni Alhea na may humawak sa kanyang balikat. Dahan dahang inangat ni Alhea ang kanyang ulo at doon nakita niya si Senior Rodrigo na seryoso ang mukha. Napabuntong hininga si Alhea at ipinikit ang kanyan

