Part 2

1353 Words
"Yaya ba't ang tagal mo?" tanong ni Bua ng makarating siya sa loob ng dorm. "Hindi na ako natuloy sa pupuntahan ko kaso naiwan ko ang QR Code paper ko hindi ko alam kung saan ko nailapag." saad ni Yaya habang kinakalikot ang kaniyang bag. "Hayaan mo na iyon Yaya mayroon naman sa Personal Information mo sa Yuzhen App." saad ni Nychaa habang naglalagay ng Facial Mask. "Oo nga pala nakalimutan kong mayroon pala iyon sa Personal Information." napahinto si Yaya sa paghahanap at umupo sa tabi ni Nychaa. "Gusto mo ba?" tanong ni Nychaa at ibinigay kay Yaya ang Facial Mask. "Para saan ba ito?" tanong ni Yaya. "Pampaganda iyan." ani Nychaa. "You can try it." ani Bua at lumapit sakanila. "Lumapit ka ilalagay ko sa mukha mo." saad ni Bua at lumapit si Yaya sakaniya. "Kailangan na nating magpahinga kasi mag uumpisa na ang college life natin bukas." ani Nychaa habang nagiinat ng kaniyang katawan. "Ayokong malate bukas." ani Bua habang sineset ang alarm ng kaniyang cellphone. "Tignan niyo magkaklase lang tayo sa subject na English." ani Nychaa habang tinitignan ang subject nilang tatlo. Napatingin naman sila Bua at Yaya sakaniya. "I hate it magkakahiwalay tayo." pagmamaktol ni Yaya. "Don't worry magkasama naman tayo dito sa room at sabay sabay tayong kakain." ani Bua. Samantala nag aayos ng gamit sila Masu at Louis. "Mark may training tayo sa pool bukas." ani Louis. "Oo nga pala nakalimutan ko na. Siguradong may competition na naman kaya kailangan natin mag training." tugon ni Masu habang inaayos ang kaniyang higaan. "Are you listening Mark?" saad ni Louis ng mapansing hindi sumagot si Mark. "Lapitan natin." senyas ni Masu at dahan dahan silang lumapit kay Mark. "Ano iyan." biglang sambit ni Louis at hinawakan si Mark sa kaniyang balikat. "QR Code ng Yuzhen App?" nagtatakang wika ni Masu. "Hindi iyan sa'yo?" tanong ni Louis. "Kailan ka pa naging interesado sa ganiyan eh kami lang ni Masu ang nakakaalam ng QR Code mo." saad ni Louis. "Diba kapag wala kang QR Code hindi ka pwedeng makapag friend request sa ibang tao?" ani Masu. "You're right napakaarte." ani Louis. "Kanino ba iyan?" tanong ni Masu. "Hindi na iyon mahalaga." ani Mark at itinago na ang QR Code ni Yaya. "Mr. Poseidon mukha yatang may kailangan kaming malaman?" ani Masu. "Nagsalita si Mr. Gwapito ang nickname niya sa Yuzhen Chat." ani Louis kay Masu at napahalakhak. "Ikaw talaga Mr. Single ang hilig mo mang asar." inis na wika ni Masu. "Matulog na nga kayo baka malate na naman kayo bukas." ani Mark at umakyat na sa Double Deck. Nakatingin sa kisame si Mark at inaalala ang muli nilang pagkikita ni Yaya kanina. ---Flashback. "Mom uuwi din ako mamaya." saad ni Mark habang kausap sa cellphone ang kaniyang Ina. First Year College palang si Mark noon. "It's my birthday Son kaya aasahan ko ang regalo mo ha." malambing na wika ng kaniyang Ina. "Don't worry kakatapos ko lang magtraining sa pool." ani Mark habang pinupunasan ang basa niyang buhok. "See you Son umuwi ka ng maaga ha." saad ng kaniyang Ina at pinatay na ang tawag. Agad pumasok si Mark sa dressing room para magbihis pagkatapos ay dumiretso siya sa pinakamalapit na cake shop. "Ms. I will buy this one." ani Mark at itinuro ang Chocolate Cake. "1,500 po Sir." saad ng babae. Hinahanap ni Mark ang kaniyang wallet sa kaniyang bag ngunit wala ito. "Sineswerte ka nga naman." bulong niya. Naalala niyang naiwan niya sa locker ang kaniyang wallet. "Sorry Miss I forgot my wallet hindi ko na bibilhin." saad ni Mark. "Ate Ayesha ako na lang ang magbabayad. Dalawang Chocolate Cake kasama nong sakaniya." masayang wika ni Yaya. "Ang bait mo talaga. Para kay Lola Cely iyan noh?" saad ni Ayesha. "Opo Ate nanalo kasi ako sa School Competition kaya iyong prize na nakuha ko ireregalo ko kay Lola." nakangiting wika ni Yaya. Samantala titig na titig si Mark kay Yaya. Namangha siya sa dalaga maganda ito at mabait. Kahit sino ay mahuhulog sa ngiti niya. "Thank you." saad niya. "You're welcome." ani Yaya at nginitian si Mark. Ilang sandali lang ay natapos ng ibalot ang cake ni Yaya at ibinigay ito. "Thank you Ate Ayesha." ani Yaya at umalis na. "S-sandali paano kita mababayaran?" tanong ni Mark ngunit nakalabas na si Yaya hindi na niya ito narinig. "Sir may dedication po ba?" tanong ni Ayesha. "Oo pakilagay na lang ito " binigay ni Mark ang paper. Nang matapos ibalot ang cake niya ay agad siyang lumabas. Tumingin siya sa kaliwa at kanan ngunit wala na ang babae. ---End of Flashback. "Urassaya pala ang pangalan mo." saad ni Mark at kinuha ang kaniyang cellphone. Pinindot niya ang Friend Request ng ma-scan ang QR Code ni Yaya kanina. Samantala nakahiga na si Yaya upang matulog ngunit biglang tumunog ang kaniyang Cellphone. Binuksan niya ito at nakita ang notification. "Poseidon?" nagtatakang wika ni Yaya. "Okay lang siguro magkaroon ng kaibigan sa online." ani Yaya at in-accept ang Friend Request niya. Napangiti naman si Mark ng ma-receive niya ang accepted request niya kay Yaya. Kinaumagahan ay late ng nagising sila Yaya, Bua at Nychaa. "Late na tayo!" sigaw ni Bua. Napabalikwas naman ng bangon si Yaya at Nychaa. "Huh akala ko ba nag alarm ka kaya pero bakit hindi natin narinig?" tanong ni Yaya. "Nakasilent ang phone ko." ani Bua at nagpeace. "Naku! First Day of Class late agad tayo." nagmamadaling bumaba si Yaya at nag uunahan silang pumunta sa Cr. "Good morning Class since this is our first day. I am your teacher in Physical Education. My name is Loreal Faulk. Today I will group you into 7; 5 members each group. I have Seniors with me to Guide you in your Swimming Lesson. I introduce Mark, Harvin, Louis, Masu, Evan, Lucas, Lesther. They will be your coach. Our lesson starts tomorrow." saad ni Teacher Loreal. "Wow ang gwapo talaga ni God of Water." kinikilig na wika ni Irah. "Sana siya ang maging Coach ko." bulong ni Hazel sa katabi. "Quite Class." saway ni Loreal. Nagumpisa ng magbilang ng mga estudyante para mahati sila sa pitong grupo. "Iyan may mga groups na kayo. Coaches lumapit na kayo sa mga kagrupo ninyo at pag usapan ninyo kung anong araw sila mag uumpisa." saad ni Loreal. "Yes! Coach ko si God of Water!" tili ni Hazel. "Ang swerte mo naman." saad ni Irah. "Good morning Ma'am Sorry I'm late." saad ni Yaya. Napalingon silang lahat at napatingin kay Yaya. "Excuse me dito ba ang class mo?" tanong ni Loreal. "Yes po Ma'am." ani Yaya habang nakayuko. "Nag group na kami late ka paano na iyan?" saad ni Loreal. "Sorry po Ma'am hindi na po mauulit." paghingi ng tawad ni Yaya. "Kulang pa kami ng isa." saad ni Mark. Napatingin naman si Yaya kay Mark. "Oh mabuti naman sige na pumunta kana sa kagrupo mo sa susunod huwag ka ng malalate." ani Loreal. "Yes po Ma'am." ani Yaya at dumiretso na sa kaniyang kagrupo. Pinag usapan nila kung anong araw sila magpapractice si Yaya ay sa Friday nailagay. "Ahh Coach Mark pwede bang pa-Scan ng Qr Code mo para maadd kita sa Yuzhen App." saad ni Hazel. "Sorry wala akong accout sa Yuzhen App. Kung mayroon kayong suggestion or question pwede niyo ng itanong ngayon." walang emosyong wika ni Mark. Nakatitig si Yaya kay Mark at aminado siyang masaya dahil sa pagkakataon iyon ay makikita niya si Mark ng malapitan. Napalingon naman si Mark kay Yaya dahil napansin niyang nakatitig siya sakaniya. "Naaalala niya pa kaya ako?" tanong niya sa kaniyang isip. Agad umiwas ng tingin si Yaya dahil napatingin si Mark sa kaniya. "Ano ba Yaya nakakahiya." saad niya sa kaniyang isip. "Kung tapos na kayong magdiscuss. That's all for today." saad ni Loreal. Nag umpisa ng lumabas ang mga kaklase ni Yaya. Agad niyang iniligpit ang kaniyang gamit at tumakbo palabas. Kausap ni Yaya ang kaniyang sarili habang bumababa sa hagdan. "Ano ba Yaya bakit ka kasi nakatingin sa kaniya." suway niya sa kaniyang sarili. Napahinto siya sandali at huminga ng malalim. Samantala nasa likuran niya si Mark at nakatingin sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD