[A/N: Ang kwentong ito ay kathang isip lang may akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumg pagkakahawig sa iba akda , sa pangalan mga tauhan, buhay man o patay sa mga lugar at mga at mga pangyayari sa kwento ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya.]
"Hayy naku Third year college na tayo pero wala parin akong girlfriend." saad ni Louis habang nakatingin sa salamin.
"Ibig sabihin niyan walang nagkakagusto sa'yo." ani Masu sabay halakhak habang naglalaro ng online games.
"Bitawan mo na nga iyan natatalo na naman ako dahil ikaw ang naglalaro." ani Louis at kinuha ang kaniyang cellphone.
Suminyas naman si Masu kay Louis at itinuro si Mark na nakaupo sa kaniyang study stable.
"Hmmmm ikaw Mark kailangan ka magkakagirlfriend?" saad ni Louis sumandal siya sa pader malapit kay Mark.
"I'm not interested." tipid na wika ni Mark.
"Alam mo Mark sa dinami dami ng nagkakagusto sa'yo rito sa Yuzhen University wala kang nagustuhan ni isa." ani Masu at inakbayan si Mark.
"I'm not interested." ulit niya.
Naubo naman si Masu sa sinabi ni Mark.
"Our God of Water is heartless." natatawang wika ni Louis.
"Speaking, congrats nga pala dahil nanalo kana naman ng gold medal sa National Swimming Competition." ani Masu.
"Kailan ba natalo ang God of Water ng Yuzhen." pagmamalaki ni Louis.
"Paano ba iyan every year dito sa dorm natin ay nagcecelebrate tayo." saad ni Louis at sinisiko si Mark.
"Cafeteria exactly 10 am." tumayo si Mark at kinuha ang kaniyang bag at nag umpisa ng lumabas ngunit huminto siya sandali.
"Don't be late. Orderin niyo lahat ng gusto niyo it's on me." ani Mark at ngumiti sakanila.
"Wow!" saad ni Masu at nakipag apir kay Louis.
"Kahit na masungit ang kaibigan nating si Mark ay hindi maitatanggi na mabuti siya." ani Masu.
"Tara na at siguradong pagtitinginan na naman tayo sa cafeteria nito." ani Louis at inayos ang kaniyang buhok.
"In your dreams." pang aasar ni Masu at pumasok sa loob ng Cr.
"Masu! humanda ka sa akin mamaya." sigaw ni Louis na ikinatawa ni Masu sa loob ng cr.
Samantala nag aayos si Bua Nalinthip ng kaniyang gamit sa kanilang dorm dahil isa siyang Freshmen sa Yuzhen University.
"Hi." ani Nychaa ng buksan ang pinto.
"Hello dito karin ba sa dorm na ito?" ani Bua.
"Oo. I'm Nychaa Dao." saad niya at inilahad ang kaniyang kamay.
"I'm Bua Nalinthip." saad niya at nakipagkamay kay Nychaa.
"Anong course mo?" tanong ni Bua.
"Business Ad." sagot niya.
"Ako naman Civil Engineering." ani Nychaa.
"Bakit dalawa lang tayo tanong niya every room three students." ani Bua.
"Baka on the way palang siya." ani Nychaa.
Bigla na lang may kumatok sa pinto.
"Ako na lang ang magbubukas." ani Nychaa.
"Dito ka ba?" tanong ni Nychaa.
"Oo dito ako." ani Urassaya.
"Bua complete na tayo. Tara pasok ka." ani Nychaa.
Pumasok naman si Urassaya at hila hila ang kaniyang luggage.
"Ano palang name mo." ani Bua.
"I'm Urassaya Sper." nakangiting wika ni Yaya.
"Ako si Bua Nalinthip at siya naman si Nychaa Dao." saad ni Bua.
"Nice to meet you. Sana maging friends tayo." ani Yaya.
"Oo naman." ani Bua.
"Bilisan niyo na mag ayos punta tayo sa Cafeteria." ani Nychaa.
"Sorry Scholar lang ako dito sa Yuzhen kaya hindi ko afford ang mga pagkain doon." ani Yaya.
"Okay lang treat ko." saad ni Bua.
"Magkakapatid tayo dito kaya tulong tulong." ani Nychaa.
"Straight A Student ka siguro." ani Bua.
"Oo kaya dapat hindi dapat ako maalis sa scholarship kasi maaalis ako sa university na ito." ani Yaya.
"Okay lang iyan mag aaral na lang tayong mabuti para sa future natin." ani Nychaa.
"Download niyo na ang Yuzhen App para may access tayo sa lahat." ani Bua.
"Scan niyo na lang QR Code ko." ani Nychaa.
Nang matapos silang magscan ay agad silang nagscroll sa Newsfeed ng Yuzhen App.
"Wow ang gwapo naman nito." ani Bua.
"Sino iyan?" tanong ni Nychaa.
Agad namang lumapit si Yaya at Nychaa.
"God of Water?" ani Nychaa.
"Isa siyang Swimmer at madami na siyang nakuhang gold medal. Straight Win, No defeat." ani Bua.
"Bakit parang pamilyar siya." ani Yaya.
"Kasi famous siya rito." ani Bua.
"Sana makilala natin siya sa personal." ani Nychaa habang kinikilig.
"Pero ang sabi masungit daw siya at wala siyang pinapansin na babae. Isa din siyang Straight A Student." ani Bua.
"Basta manonood tayo kung mayroon siyang competition." ani Yaya.
"Good Idea." ani Bua.
"Tara na punta na tayo sa Cafeteria para makapag lunch na tayo." ani Nychaa.
Sabay sabay silang lumabas habang magkakaakbay.
"Tignan mo Masu Center of Attraction tayo ngayon." ani Louis habang kumakain.
"Syempre kasama natin ang God of Water." ani Masu.
"Wala ka talagang tiwala sa sarili mo Masu syempre gwapo tayo kaya pinagtitinginan tayo." pagmamayabang ni Louis.
"Aminin mo na kasi Louis na mas gwapo ako sa'yo. Kahit kailan talaga nanaginip ka na naman ng gising." ani Masu.
Samantala tahimik lang si Mark habang kumakain.
"Look! Look!" saad ni Nychaa.
"Si God of Water." tili ni Bua.
"Ang gwapo pala niya sa personal." ani Nychaa.
"He's cute." ani Yaya.
"Tara doon tayo umupo malapit sa table nila." ani Nychaa.
"Bakit parang pamilyar siya." saad ni Yaya habang nakatingin kay Mark.
"Urassaya pa-scan ako ng QR Code mo mali ang napindot ko kanina." ani Bua.
Agad namang nilabas ni Yaya ang kaniyang QR Code at ibinigay ito kay Bua.
"Excuse me." ani Piak. Lumapit siya sa gawi nila Mark.
"Ano iyon?" ani Masu.
"Diba ikaw si Mark also known as God of Water. Bago lang ako rito kaya hindi ko pa kabisado ang University." ani Piak.
Bigla namang napahinto si Mark sa kaniyang pagkain at napatingin kay Piak.
"Ang ibig mong sabihin gusto mo akong itour kita?" ani Mark. Na agad ikinangiti ni Piak.
"Oo sana kaso mukhang busy ka." ani Piak.
"Yeah you're right I'm busy at malawak ang school na ito as far as I know ang university na ito ay 493 Hectates (1,220 acres) kaya wala na akong time para itour ka. Have a nice trip." aniya at nagpatuloy na sa kaniyang pagkain.
"S-sige thank you." ani Piak at ngumiti ng pilit saka umalis.
"Wow Mark wala akong masabi." ani Masu.
"So Heartless." ani Louis habang umiiling.
"Sino kaya ang maswerteng babae na makakapagpainit sa puso ni Mark." ani Masu.
"Sa tingin ko hindi pa siya pinapanganak." saad ni Louis na ikinatawa ni Masu.
"Mas mabuting kumain na lang kayo kung hindi kayo ang magbabayad." ani Mark.
"Ang sarap talaga ng inorder mo Mark." ani Masu at isinubo ang kaniyang pagkain.
"Nakita niyo iyon ang sungit niya." ani Nychaa.
"Mukhang wala tayong pag asa." ani Bua.
"Kaya stop na tayo sa pagday dream kasi hindi niya tayo mapapansin." ani Yaya.
"Kumain na lang tayo." ani Nychaa.
"Paano iyan magkakaiba tayo ng course." ani Bua.
"Mayroon naman siguro tayong subject na magkakasama tayo." ani Yaya.
"Tama si Urassaya." ani Nychaa.
"Hmmm masyadong mahaba ang pangalan mo Urassaya anong gusto mong itawag namin sa'yo?" ani Bua.
"Yaya na lang." aniya.
"Excuse we're Senior College. Gusto niyo bang sumama sa mga clubs?" saad ni Yana.
"Oo gusto ko sa Engineering Club." ani Nychaa.
"Ako naman sa Business Club." ani Bua.
"Bs Physical Therapy ang course ko pero pwede ba akong sumama sa Music and Sport Department?" ani Yaya.
"Oo naman isulat niyo na lang ang name niyo rito." saad ni Yana.
Nang matapos na sila sa pagsusulat ay agad umalis si Yana.
"Bakit Music and Sports ang napili mo?" ani Bua.
"Kasi I love music." ani Yaya.
"Wow napakatalented mo naman." ani Nychaa.
"Hindi naman simula nawala ang parents ko at si Lola Cely na lang ang kasama ko ang pagtugtog ng piano na lang ang nakapagpapasaya sa akin." ani Yaya.
"Don't worry nandito kami papasiyahin ka namin." ani Nychaa.
"Yeah we're friends." ani Bua.
"Nandito lang kami para suportahan ka." ani Nychaa.
"Thank you sa inyo." ani Yaya.
Masaya silang nagkwekwentuhan habang kumakain. Ngayon lang sila nagkakilala pero para na silang magkaibigan sa mahabang panahon.
"Tara na balik na tayo sa Dorm." ani Bua.
"Oo nga gusto ko ng magpahinga nakakapagod ang biyahe." ani Nychaa.
"Sandali ililigpit ko lang itong gamit ko." ani Bua.
"Ano tara sa court maglaro tayo ng basketball?" saad ni Louis.
"Deal." ani Mark.
"Tara na." ani Masu at nauna ng maglakad.
"Mauna na kayo may pupuntahan lang ako." ani Yaya habang inililigpit ang kaniyang gamit.
"Sige sunod ka na lang ha." ani Bua at nauna na silang umalis.
Habang naglalakad si Mark bigla siyang napatingin sa gawi ni Yaya habang patayo at nagmamadaling isinabit ang kaniyang bag.
"Ikaw." saad ni Mark sa kaniyang isip at hindi makapaniwalang makikita niya ulit si Yaya.
Napahinto ang mundo ni Mark ng makasalubong si Yaya sa paglalakad.
Ng makalagpas na ito ay nakita niyang naiwan ni Yaya ang QR Code paper niya sa lamesa. Kaya agad niya itong pinulot at napangiti.