Chapter 3

2913 Words
Awa...   Awa ang una kong naramdaman matapos kong malaman mula kay Lycan ang naging buhay niya matapos naming lisanin ang Versalia.   Si Sierra...   Ang babaeng una niyang minahal. And I'm quite certain it might be his last. I can't help but look at the sands in my feet.   "I promised I will marry her. Right here, in this very spot we are standing, Verna," nanlulumong sabi ni Lycan sabay tingin niya sa alon na walang tigil ang paroot parito sa aming mga paa. "Pero kagaya ng sinulat ko sa buhangin, nawala din ng walang bakas lahat ng mga pangarap at pangako ko para sa amin," naiiyak nitong sabi sa akin habang kamas ng kamay nito ang damit niya at namumuti na ito sa sobrang highpit ng kapit niya dito.   I thought sa mga libro at nobela ko lang maririnig, much less malalaman ang ganitong mga pangyayari.   Ayaw ng tatay ni Lycan kay Sierra.   Si Senator Leonardo Fortalejo, ang isa sa pinaka maimpluwensyang pulitiko sa bansa. De facto head ng Fortalejo Dynasty. Ang angkan ng mga pulitikong mukhang panahon pa ng mga Kastila ay may katungkulan na sa gobyerno ng Pilipinas.   Pero hindi ko pa rin lubos maisip na aabot sa ganito.   Baka naman...   "Lycan, baka naman nagbabanta lang ang tatay mo. Baka naman pwe---,"   "You don't know him Verna," galit na putol sa akin ni Lycan. "I grew up in the center of it all. Lahat ng kontra sa kanya ay nawawalan ng buhay. Not just him but from my grandfather as well."   Nakaramdam ako ng takot automatically nang makita ko ang mukha ni Lycan na hindi ko na-imagine na kayang magmukhang animo'y tigre sa galit.   "He found out about me and Sierra. About or plans," sabi niya sa akin, then he laughed at himself, "Napakatanga ko at hindi ko naisip na kahit anong plano namin ni Sierra, malalaman at malalaman niya iyon. Just like what he did with my older brothers. Forced into something they never wanted to do."   All I can do is look at Lycan who is now gritting his teeth and sobbing while crying.   "Paano na? Hindi ko pwedeng sabihin kay Sierra. Dad said I have to cut my connection from her clean or he will cut her himself. Goodness knows sa dami kong alam na pinatay niya I wouldn't even think he is not serious."   Tumingala sa akin si Lycan at halos madurog ang puso ko ng makita ko ang mukha nitong wala nang kapaga-pagasa. Mga matang nawalan na ng paniniwala.   "Bukas na ang flight namin papunta sa U.K Verna," hikbi nitong sabi sa akin, "She doesn't even know a thing. She still believes we are going somewhere far away from all of these nonsenses. To start all over again. Ano na?   Hindi ako makaimik.   Natatalo ng puso ko ang aking utak.   Heck, maybe my time away from Vasque has softened my head at kung kailangan mag-isip ng matino ay tsaka ako nabablangko.   Right now, a man, a friend, my counterpart is hopeless right in front of me. For all I know and sense, he is here to kill himself or do something reckless. He can't think properly.   Huminga ako ng malalim at pinilit kong kalmahin at patahimikin ang aking puso. Pinilit kong paganahing muli ang aking utak. Ang utak na ginamit ko sa Versalia at sa Vasque faction.   If all those memories from my past I'd rather have buried, I'm sure pati ‘yong mga alaala kung saan all think and logic ako ay kaya ko ding maibalik.   It's not hard, Verna. Nandito sa harap mo ang buhay na trigger para maibalik mo ang Verna ng Vasque Faction, Representative Coordinator of the most celebrated Representative Councilor of Vasque Faction after war.   Pumikit ako at muling minulat ang aking mga mata bago tumingin kay Lycan at in-asses ang situation the same way that will make Palladia proud.   Just this once, just this time and hopefully never again, I will be like the way I am years ago.   "Get a hold of yourself, Lycan. Walang mararating ang pag-iyak mo o ang negativity mo. Cough up. Sabihin mo sa akin ngayon kung wala ka na ba talagang maisip na paraan," utos ko sa aking kaharap na parang nagulat sa biglang pag iibang tono ko.   He looked at me and he surely is surprised when I look at his eyes, "Verna," simula nito pero umiling ako.   "Look Lycan. Malapit na tayong abutin ng gabi, me unlike you and your girlfriend have a flight to catch tomorrow. Sagutin mo ako dahil limited offer lang ang tulong ko. I have a life of my own too you know?" matalas na sagot ko dito to show him I have no time for nonsense now.   Not now that I can still hold on this persona.   "Wala. Wala na. He will kill her kung tutuloy kami. No matter where we run mahahabol at mahahabol niya kami. I know and I'm sure dahil ganun din ang ginawa niya sa iba kong kapatid at kaanak. It's either susunod ka o susunod ka," malungkot na sagot nito sa akin.   Mabilis kong pinagana ang utak ko and suddenly I came up with a plan so effective, it seems impossible. But heck, better to do something than do nothing at all.   I just have to ask one final thing.   "Wala na bang mas maimpluwensya sa tatay mo? Na maaaring magprotekta sa inyo ni Sierra?"   I didn't lose the momentum kahit mabilis na umiling ito sa akin. I expected the answer anyways. Just confirming.   "Actually, the solution to your problem is very easy, Lycan," deretso kong sabi sa kaharap ko. "All you need to do is to be more influencial than your father,” simple kong deklara na para bang kahit grade one ay alam ang solusyon.   Well, I can't blame Lycan's reaction to my statement. Parang nasisiraan na ako ng bait base sa tingin niya sa akin.   "Are you out of your mind? Paano naman ako mas magiging maimpluwensya sa kanya?!" giit nitong tanong sa akin.   Bumuntonghininga ako at umarteng parang natatangahan sa kausap ko. A habit I usually did when I was in Vasque. Normal na daw sa amin itong know-it-all mindset.   Well maybe because we know it all.   Minabuti kong inisin at galitin si Lycan. It's better than hopelessness anyways.   "Lycan, Lycan, Lycan. Look, last term na ng tatay mo sa senate, ‘di ba? Matanda na siya. Ang nanay mo gobernadora na. Ang mga kuya mo ay congressmen na at hindi na pwedeng tumakbo pa for higher office. Sino na lang ba ang pwepwedeng pumalit sa susunod na eleksyon kundi isang Fortalejo din lang, ‘di ba?" sabi ko sa kanya na tahimik na ngayon na nakikinig sa akin.   Good, I got his attention at least.   Huminga nang malalim si Lycan at halatang pilit sinasakyan ang out of this world idea ko out of respect. "Okay, Verna. Let me humor you a bit. Sige, sabihin na natin na by any freaking chance na tumakbo ako and for some stupid miracle ay manalo ako considering wala akong experience at all at fresh graduate ako. My father still has some considerable influence at lalabas lang akong puppet niya sa senado. It will not change anything at all," resbak na sagot sa akin ni Lycan.   Nanunudyong ngumisi ako at inilingan ang aking kausap na para bang bata lamang na walang muwang.   "Who said that you will stop at the senate Lycan?" natatawa kong tanong. "You will only use that as a stepping stone. After one term, you must run for the President!" malakas kong announce na tanging tunog lang ng alon ang sumagot sa akin.   Napasinghal si Lycan. He lost his temper on me.   "You are insane!" malakas at galit niyang sigaw sa akin. "You all think this is some sort of a joke?! Huh?! Verna?!" gigil niyang hiyaw sa akin na halos magpaiyak sa akin.   Repeat. Halos.   Verna of Vasque faction never cries except for books and some, other stuff...   Verna of MFU will cry tho...   I'm not backing down. I am saving him. No, them. Goodness knows the world already have plenty of failed love stories.   I will try to do something if I can.   Tinaasan ko ng kilay si Lycan. "Insane? Me? Baka nga," sang-ayon ko dito pero humakbang ako papalapit sa kanya, "But a joke? I think sarili mo ang dinedescribe mo Lycan. Here I am thinking insane things just to help you tapos ikaw todo tanggi dahil suko ka na. Aminin mo suko ka na," udyok ko dito na nagpabigla sa kaharap ko.   "I know and I believe you can pull this one off. With your skills, influence and money, kayang kaya kang papanalunin ng tatay mo. I bet he will even be happy by the thought. I heard sa t.v once years and years ago na ikaw ang napipisil niyang pumalit sa kanya. Why not use that to your advantage?" paglilinaw ko kay Lycan.   Napatungo ito at napailing, "Paano si Sierra?"   "Well, she will have to survive without you. At least for a few years. You can't tell her anything in case you decided to go along with our idiotic, miracle-relying, improbable but not impossible plan," akmang tatanungin nito kung bakit hindi niya pwedeng sabihin "Kung gusto mong lokohin ang kalaban mo, ang una mong dapat lokohin ay ang kakampi mo. Oo magagalit siya, mamumuot, I know I'm a girl but that's even better. She will want to be as far as possible from you pero mas maniniwala ang tatay mo," paliwanag ko dito.   Tinitigan ako ni Lycan. "And what if this plan fails?"   Nagkibit-balikat ako, "Well, at least she will live. Would you rather have her dead loving you or alive hating you?" direktang tanong ko kay Lycan na nagpatulala dito, "Believe me, in real life, walang pabebeng choice. Walang pero pero walang third option most of the time. Her life is in your hands and remember, if something happened to you right now, you can bet something also will befall her. At least romantic, ‘di ba, Lycan?" nang-iinis kong tudyo sa kausap ko na walang maisagot sa akin.   "Verna, bakit bigla kang nag-iba, kani-kanina lang..."   Napatawa naman ako at napatingin sa ngayon ay halos pawala nang araw sa dagat, "Alam mo Lycan, kaya ako pumunta dito sa dagat ay para subukin ang sarili ko na kung talagang nakalimutan ko na ang Versalia, na I can go out of the country without those memories dragging me behind." Napabuntonghininga ako at pinagmasdan ang kaharap ko. "Pero nang makita kita, bumalik halos lahat sa akin. Lahat ng mga nangyari, naramdaman ko ang lungkot ang kagustuhang bumalik doon. Even this personality of mine that I buried so deep in my mind suddenly resurfaced. I guess, I am not really that free from my past it seems," malungkot kong sabi.   "Verna, I'm so---," simula nito pero kinaway ko ang aking mga kamay at pinilit ngumiti sa kanya.   "This is the choice of your lifetime, Lycan. Hindi laging nadating ang ganitong pagkakataon para makapamili ka. This might even be the last time you get the chance to choose. Kaya siguraduhin mong tama ang pipiliin mo. Dahil hinding hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Don't make yourself regret what you will choose now Lycan. Don't be like...," hindi na natuloy ang sasabihin ko.   I'd rather not go and remember even further. Ang nakaraan ay nakaraan na. No use agonizing over it and I just have to step forward and live the life I chose years ago.   Huminga ako ng malalim at nginitian si Lycan. "So, ano ang gagawin mo Lycan? What do you think of my plan?"   "It's insane. It will take a miracle for it to even happen," simula nito pero to my pleasant surprise ay ngumiti ito sa wakas, ngiting may pag-asa. "Pero sa mundo ng pulitika, pag may pera ka, may himala," makahulugang sabi nito na nagpagaan sa loob ko.   Bumuntonghininga ako sa galak at nagsimula na akong maglakad pabalik sa highway. Sumabay naman agad si Lycan sa akin. This time may angas at purpose na ang bawat hakbang niya.   I know he is gambling the chance that Sierra might never love him again.   But at least...   At least he is not gambling the chance where Sierra might die.   "So, pwedeng makuha ang number mo? Para makontak at mahingan kita ng payo?"   "No. No need. As I said, dapat walang makahalata sa plano natin. The more you keep a connection with me, the more they will suspect that you are colluding with someone. Dapat maisip nila that this is your plan alone and it's your way of saying that this is your destiny," makahulugang sabi ko kay Lycan na nagpatawa naman dito.   "Now I really know why you got the Representative Coordinator of the Decade Award," sabi niya sa akin. "Anyways, ano pa sa tingin mo dapat ko gawin para manalo ngayong eleksyon maliban sa pera? Fresh graduate ako, walang experience at walang idea," seryosong tanong ni Lycan sa akin.   Napatawa naman ako, "That's a funny question coming from a political dynasty like you. Or maybe hindi ka lang talaga thankfully naapektuhan ng pamilya mo, offense or no offense meant." Napakamot ito sa ulo nito at napangiwi. "Lycan all you need to do is to become popular!"   "Popular?"   "Yes! Naku sa daming mga pulitiko na nanalo na wala namang alam sa pulitika," masaya kong sabi dito. "Do they have the wits and brains? No! Sikat kasi sila kaya sila binoto! Sino bang magmamarka sa balota ng never heard na matalino, ‘di ba? Kailangan din para sumikat ka ay gumandang lalaki ka!"   "Hah?!" nakangiwi nitong bulalas sa akin na nagpatigil sa aming paglalakad.   Namaywang ako at tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. "Mukha kang patpat na isang bagyo lang ay ikaw ang dadalhan ng relief goods sa halip na ikaw ang magpamudmod with your name and face on it! Honestly, may hitsura ka Loracan, pero kailangang gumanda ang katawan mo. Drop the bangs and do a clean cut! Wala pang senador na emo unless gusto mong naka-bangs ka sa official portrait mo!" mabilis kong paalala dito.   Hindi nakasagot ito at napatango na lang.   "Kailangan ding pag-usapan ka ng mga tao at media. Publicity is next to Popularity! Sikat ka nga, hindi ka naman laman ng mga blind items sa t.v at sa mga cheap tabloids na nakikinig at nakikita ng 90% ng mga botante! Kumuha ka ng sexy starlet o kung sino man na maingay sa chismis and stick your name to her face. Pero keep distance. Kelangan malinaw sa taong keychain mo lang siya at ‘di ka damay sa pinag gagagawa nya. Drop her once the elections are over at hugas kamay na!" mabilis na paalala ko dito.   "Wow, Verna, saan mo napupulot yang mga ‘yan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Lycan.   Nagkibit-balikat ako at nagsimula ulit maglakad. "Na-reality check ako paglabas ko ng isla. I experienced the hypocrisy and the system that survived the war. Actually, nakinig ko din sa Social Studies prof ko no’ng college."   Tumango lang si Lorcan sa akin at ilang saglit pa ay nakarating na kami sa tapat ng mamahalin niyang sasakyan.   "Sakay ka na, Verna, hatid na kita," alok sa akin nito.   Pero hindi ko siya masyadong napansin dahil ngayon ko lang naramdaman na wala na pala akong suot na tsinelas.   "Aba, naiwan mo ba slippers mo, Verna?" tanong ni Lycan sa akin ng mahalata nyang nakatitig ako sa aking yapak na mga paa. "Tara, balikan natin."   Ngumiti na lang ako at masayang umiling, "No, no need. Okay ako."   "Sige, hatid na la----.,"   "You know what Lycan? Don't bother. Solo kang pumunta dito, solo ka din dapat babalik."   "Uuwi ka ng Manila nang nakayapak?" ‘di makapaniwalang tanong nito sa akin.   Napakurap ako at napangisi. "You know what, that's not a bad idea." Tipong kokontra ang aking school mate pero tinaas ko ang aking mga kamay at nagsimula nang maglakad papunta sa highway pero nakakailang hakbang pa lang ay napatigil ako. Hindi na ako lumingon sa kanya at tinaasan ko na lang boses ko para marinig niya ako.   "Ay, oo nga pala! Dapat may catchphrase ka. ‘Di na uso ‘yong langoy sa basura. Why not wala nang magyayapak sa Pinas ‘pag naging senador ka? Kapartido n’yo naman ‘yong asawa ni Korina, ‘di ba? Maki-join ka sa project niya and one day, ‘pag Presidente ka na, ‘tsaka mo ako bigyan ng brand new slippers galing sa Divisoria at gusto ko sa Malacanang mo ibibigay sa akin, gusto kong makapunta do’n!"   "Promise?" tanong ko kay Lycan na hindi ko alam kung nakikinig pa ba ito.   "Promise," sagot niya sa akin na nagpatanggal ng pabigat sa dibdib ko na daladala ko pagpunta ko dito sa dalampasigan kanina. Finally, I can say I can go to Hyilla without the memories of the past dragging me down.   Iyon lang at tumakbo na ako palayo without looking back. At least, at least I know I did something right. Magbunga man o hindi ang halos imposibleng sinabi ko kanina at least they will live. Him and the girl he loves the most.   She may, no she will hate him. But at least she will live to see him make her fall in love with him again.   At least that's what I pray for.   But for now, I can finally leave the past behind and welcome a new world and life tomorrow with a smile on my face.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD