Pagkatapak na pagkatapak ng mga paa ko sa buhangin ay nakaramdam agad ako ng magkahalong lungkot at saya.
Humarurot paalis ang sinakyan kong jeep at naiwan akong waring nag iisa sa isa sa pinakamalapit na beach sa Maynila.
Naisipan kong sadyain ang lugar na ito a day before my flight to Hyilla. Tsaka lang ako nakasigurado na hindi talaga ako napeke ng dumating ang papeles ko sa mismong embassy ng Hyilla sa Pilipinas.
Sa halip na ipadala sa akin ay inimbitahan akong personal na kunin iyon sa tanggapan nila at nang makarating nga ako ay laking gulat ko ng isang maliit na salo-salo ang sinurpresa ng resident ambassador at ng staff nila para sa akin.
Wala pang one hour tumagal ang celebration dahil sa lunch break lang nila siningit pero nalaman ko na talagang welcome na welcome ako sa bansang pagtatrabahuhan ko. The ambassador told me how happy Jeff, my interviewer was.
Not just because may na hire na siya at makakauwi na din siya sa wakas. Pero pati na rin dahil sa tiyak na deserving ako sa trabahong inalok sa akin.
Doon ko din nalaman ang slight background ng totoong magiging trabaho ko sa Hyilla a few days from now.
Simpleng Call Center Customer Service Representative lang naman pero sa halip na sa western countries o Australia ang target customers gaya dito sa Pilipinas ay around Pacific Ocean nations ang pagsisilbihan ko.
Not only that pero dapat pala nasa best behavior ako dahil ako daw ang "test hire" ng bansa nila for the Philippines. Depende daw sa performance ko kung bababaan ng Hyilla ang requirements sa trabaho at mag mass import hiring ng mga professionals mula sa dito ang bansa nila.
No wonder hindi basta basta work ni Jeff dito sa Pinas. He is pressured not to hire just the best but more importantly a risk taker and career driven individual na walang ibang iniisip na pamilya o mahal sa buhay.
Just like me.
A bit hard to swallow pero in-assure naman ako ng staff na as long as punctual, average performer at walang magiging record ay good to go na ako. No need to excel but I am welcomed to do so albeit sa play safe work mode muna in other words until the ten months' evaluation is over.
Pagkatapos ng maliit na salo salo ay ibinigay na sa akin ang lahat ng papeles na kailangan ko at umuwi na din agad ako para mag-empake.
Honestly medyo duda pa rin ako these past few days kung totoo nga ba ang offer so para hindi ako masyadong masaktan kung sakaling hindi ay minabuti kong wag munang mag ayos ng gamit at nag piso net pa ako para magpasa ng ilang resumes online just in case para hindi naman masyado akong masaktan ‘pag napurnada.
Wala nang tiklop-tiklop o ayos ayos. After all, wala pa namang dalawang maleta ang dami ng mga gamit ko. Bibigyan naman ako ng relocation allowance at para makaiwas sa excess baggage ay minabuti kong mga importanteng bagay na lang ang ilalagay ko sa maleta at bilhin ang ibang mga gamit pag dating ko dun gamit ang allowance.
Naputol bigla ang pag iisip ko ng marinig ko ang malakas na ugong ng alon sa hindi kalayuan.
I can't help but gasp when I saw the scenery before me.
Blood red skies, orange clouds reflected by the sea as if it's a giant mirror. Nagsimula ulit akong maglakad papunta sa dalampasigan at para bang ang paningin ko ay dinala ng hangin ng karagatan papunta sa nakaraan.
Kada isang hakbang ko ay isang parte ng kahapon ang nabalik sa aking mga alaala.
Parang isang canvass ng pintor ang nakikita ko ngayon, ngunit sa bawat sandali na papalapit ako sa dagat ay isang kumpas ng alaala na waring brush na gumuguhit ng mga bagay na ayon sa aking alaala ay dapat nandoon sa harap ko.
Nadagdagan ng malalaking barko na dumadaong at umaalis sa pantalan, mga dambuhalang bakal at sementong gusali sa tagiliran ng mga mata ko ang wari'y dumagdag sa aking nakikita.
Mga turistang nag hahabulan at naglalangoy sa dalampasigan. Kasunod, nakinig ako ang masasayang hiyawan ng mga batang naka uniporme ng Versalia University sa hindi kalayuan, mga batang galing sa iba't ibang faction naglalakad palabas sa isang sinehan.
Naamoy ko bigla ang maalat na hangin mula sa dagat at ang usok ng dumadaang sasakyan.
Nakaramdam ako ng pagkapanatag at pakiramdam na ito. Ito ang tahanan ko. Ligtas at kuntento ako dito.
Ilang saglit pang tumagal ang aking pangitain ng biglang may mga ibon na nagsiliparan sa hindi kalayuan at sa ilang sandal pa ay unti unting napahi sa aking paningin ang wangis ng Versalia Port mula sa aking nakaraan.
Naglaho ang malalaking barko, ang mga turista sa aking paligid, ang tinig ng mga tawanan at ng mga magagarang sasakyan sa hindi kalayuan. Napaltan ng preskong hangin ang amoy ng usok at ng maalat na dagat.
Wari'y pinapahi ng kamay ng panahon ang bawat wangis ng mga bagay sa aking paningin mula sa aking kahapon hanggang sa ang dalampasigan at ang malawak na kalangitan na lang ang natira.
Napatigil ako sa paglalakad ng maramdaman ko ang malamig na alon na humampas sa aking paa. Pagtungo ko ay isang patak ng luha ang biglang bumagsak mula sa aking kanang mata.
Napasinghap ako at nahawakan ko ang aking dibdib at kumurap-kurap ako at tumingin sa aking harapan at pilit na binabalik ang pangitain ko kanikanina lang pero wala.
Wala na.
Napahikbi ako at nagtaka sa sarili ko. Kaya ako naparito ay para patunayan sa sarili ko na wala na akong dapat ipagbahala pa. Wala nang hawak sa akin ang nakaraan. Na kaya ko nang kalimutan sa wakas ang isla ng mga pangarap. Mga pangarap ng iba, at ang lugar kung saan nakagisnan kong mangarap.
Ang Versalia...
Pero laking gulat ko ng sa ilang saglit lang na nandidito ako ay mabilis na bumalik sa akin ang nakalipas na akala ko ay matagal ko nang nakalimutan.
Ibinalik ko ang tingin ko sa araw na papalubog na at pinilit kong burahin sa aking isipan na hindi ko na dapat isipin pa.
Hindi ko namalayan na hindi na pala ako nagiisa.
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang lalaki na naglalakad papunta rin sa dalampasigan, wari'y kasing tanda ko lang sya. Payatin at may buhok na halos nakatabing na sa kanang bahagi ng mukha nito.
Nakabagsak ang mga balikat nito at nakayuko ang ulo na naglalakad ng dahandahan.
Tumigil din siya sa paglalakad at tumitig din sa araw sa harap namin.
Hindi ko alam kung bakit pero nagsimulang maglakad ng kusa ang aking mga paa papunta sa direksyon ng lalaki.
Caution thrown to the wind, I just feel that I have to be sure of something.
Of what, I don't know.
Basta ang alam ko kailangan malapitan ko siya.
That and walking this way is also the path out of this place.
Ilang metro na lang ang layo ko sa kanya ng mahalata nito na hindi siya nagiisa at napalingon siya sa gawi ko.
Medyo lumiko ang direksyon ko para may maidahilan ako na hindi talaga siya ang sadya ko kung sakali at nadaanan ko lang siya.
Nang makalapit na ako sa kinatatayuan niya ay nagtagpo ang aming mga mata. Patuloy pa rin ako sa paglalakad at nang sa parteng paliko na ako ay mas naaninag ko ang mukha niya ng mas malinaw.
Pamilyar...
Pamilyar...
Bulong sa akin ng utak ko pero natalo ako ng hiya. Baka mamaya masabihan pa ako na kung anong klaseng babae ako. Minabuti ko na bumaling ng tingin at tumalikod sa kanya pagliko ng daanan.
Ilang hakbang pa at akala ko ay tapos na ang parang ewan kong naisipang gawin at on the way na ako pauwi.
"Verna?"
Napatigil ako sa paghakbang at napahinga ako nang malalim.
Sa timbre at tunog ng boses niya ay nagtugma ang pira pirasong mga alaala sa aking utak. Pinagwatakwatak ng panahon at ng aking nagsarang utak.
Sa isang iglap ay bumalik sa aking isipan ang isang pangyayari na halos isang dekada na ang nakakaraan.
Valentines Day...
Zhazsa...
Phidochian faction bouncers...
Speed dating...
Isang payat na lalaking sa unang tingin ko ay naisip ko na kung naging lalaki ako ay tiyak na siya ang version ko...
Mabilis akong napalingon sa takot na baka pati siya ay burahin ng alaala ng nakaraan gaya kanina.
Lumipad ang mahaba kong buhok sa hangin at sa aking pagharap sa kanya ay isang pangalan lang ang mabilis na lumabas sa aking bibig.
Pangalan na nagpatunay na lahat, lahat ng pinilit kong ibaon sa limot, kalimutan at ipagwalang bahala ay nasa aking puso lamang. Naghihintay ng isang bagay, tao na magpapaalala ng lahat.
"Lycan".
-0-
"Nagulat ako. Kilala mo pa pala ako even though we only talked and met once properly," natatawang sabi sa akin ng dati kong schoolmate na si Lycan, former Second Class Zymeth Faction Student.
Napasulyap ako sa kanya at napangiti ako. Lumalim ang boses nito. Mas matangkad na siya ng sobra sa akin, pero parang walang nagbago sa pagdadala nito sa sarili nito. Ramdam mo pa rin ang kaunting hiya at humbleness sa bawat salitang binibitawan nya.
"Oo naman," malungkot kong tango sa kanya sabay balik tingin sa araw na halos nangangalahati na sa paglubog sa karagatan, "Kahit naging Representative Coordinator ako, mabibilang pa sa kamay at paa ang mga taong talagang kakilala ko".
Ngumiti si Lycan bago bumuntong hininga. "Muntik na kitang hindi makilala, lalo na at wala ‘yong salamin mo at nagbago na buhok mo," sabi niya sa akin.
Napatungo ako sa alon na tumatama sa mga paa namin at nakita ko ang malabong repleksyon ko doon at napakiling ang ulo ko. Siguro nga may nagbago sa aking hitsura pero...
"Pero, mas natandaan kita sa kung paano ka maglakad," nakangising tuloy ng kausap ko, "Yung nakatutok sa daan ang mga mata mo pero halatang ang utak mo ay nalipad na sa kung saan."
Napatawa naman ako ng mahina. "Ganoon ba?" Tiningnan ko ulit si Lycan. "Ganoon pa rin naman hitsura mo. Grabe lang tinangkad mo at nag iba na ang boses mo pero sa lakad mo rin ako hindi nanibago. Parang tulad din ng sakin," paalala ko dito na kahit papano ay nakapagdala ng ngiti sa mga mata nitong animo'y ilang saglit na lang ay iiyak na.
Napailing ito at tiningnan ang sarili bago pilit ngumiti sa akin, "Ano na nangyari sa iyo? Huling balita ko kay Paladia sa Manila Federal University ka nag college?"
"Oo, eto as you well know, nakatapos din kahit mahirap," sagot ko sa kanya. "Ikaw? Sa V.U ka nagtapos?"
Umiling siya sa akin. "Nope. Sa U.P ako pinag-aral ni Papa. Kaka-graduate lang namin," wala sa loob na sagot niya sa akin.
"Namin?" takang tanong ko kay Lycan na napaigtad at muling namasa ang mga mata nito.
Hindi siya sumagot at pinilit huminga ng malalim para pigilan ang nagaabang nitong mga luha.
Tumingala ako sa kalangitan kung saan nagsisimula nang maglabasan ang mga bituin at ang buwan.
"Naaalala ko ang una at huli sigurong beses tayo magkita ng matino, Lycan," simula kong salita sabay pikit habang ibinalik ko sa nakalipas ang aking isipan. "Sa Love Tent Speed Dating something ata ni Representative Councilor Zhazsa at ng Rayse yun. Valentines date. Pareho tayong napilitang pumasok duon. Pero nang makita kita naalala ko ang sarili ko sa iyo. Naisip ko kung may kapatid o kakambal siguro akong lalaki ikaw na iyon. Nakikita kong pareho tayong magdala ng sarili natin. Hiya, iwas sa tao, mababa self-confidence at introvert. Actually, kahit naging Representative Coordinator ako, wala pa ring nagbago sa akin noon."
Iminulat ko ang aking mga mata at tiningnan ko si Lycan na nakatingin na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. "Siguro kahit ‘yon ang una at huling beses siguro nating pag-uusap ng matino ay hinding hindi kita makakalimutan."
Napangiti naman ito at napatungo.
"So, tutal nandito na din naman tayo at mukhang five pa lang ng hapon, bakit hindi natin sulitin ang oras para mag-usap? Malay mo, baka higit sa isang dekada pa tayong hindi magkita or maybe never at all?" udyok ko sa kasama ko na ramdam na ramdam ko ang kawalang pag-asa.
I know that look and feeling. I am so used to it that it doesn't hurt at all. But the feeling of sadness still lingers. Ayokong may makakaranas na iba pa. If I can help it.
"You owe me a date for almost a decade now, Lycan. I bet I am even your first date years ago, right?" tudyo ko dito.
Napatawa naman ito ng mahina at tumago, "Honestly, yes. And I also bet I am your first one too, right Verna?" balik tanong niya sa akin.
I smiled at him nostalgically and nodded. "Yep, my first and only, as a matter of fact. Mukhang nasundan mo na ako," kunwaring tampo kong sabi kay Lycan sabay siko sa tagiliran nito, "Kwento mo naman kung sino ang maswerteng babae na pumalit sa akin!" biro ko dito.
I tried to hide it but it broke my heart when I saw Lycan's reaction to my joke is nothing less than a steady flow of tears from his eyes.