Chapter 17 Karl's Point of View: "Arrrgh!!" Nakakainis kang Markus ka! Ang sarap mong pasabugan ng kanyon! Ang sarap mong ilibing sa lupa! "Ano? Punta na ako?" Sabi pa niya sa akin. "Subukan mong pumunta, puputulin ko ulo mo!" Banta ko sa kanya. "Saang ulo? Sa taas o baba?" "Langya ka! Tigilan mo nga ako! Naghahabol pa ako ng mga requirements ko!" "Hindi na kailangan yan, kahit hindi ka na gumawa kasi player ka naman,eh. Excuse ka sa lahat at ayun sa pagkakaalam ko, kapag player ka ay hindi bababa yang grades mo at pwede pang tumaas to." Alam ko naman ang tungkol sa patakaran na yan pero gusto ko lang talaga na putulin ang tawag niya. "Ah basta! Nakakaistorbo ka sa akin!" "Ang sabihin mo,'di mo lang mapigilan ang kiligin kapag kausap mo ako! Bakit kasi hindi mo na lang hiwalayan

