Chapter 16 Karl's Point of View: "May problema ka ba? Bakit parang puyat at pagod ka?" Nagtatakang tanong sa akin ni Divina. Nginitian ko na lang siya at nagdahilan na dahil sa paggawa ng mga requirements kaya ganito ang mukha ko. Hindi na naman siya nagtanong pa at nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa aming classroom. Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasan ang mag-isip kung ano nga ba ang gagawin kong hakbang para masira si Markus kay ate. Alam kong parang pipigilan ko ang kasiyahan ni ate pero para sa kanya naman ito,eh para hindi na siya muling masakan pa. Kahit na malimit na akong kausapin ni ate simula noong malaman kong nagkikita sila ni Markus, hindi ko pa rin siya pababayahan. Kilala ko si ate. Pagdating kay Markus, mahina siya. Matalino naman siya pero pagdating

