Chapter 15 Karl's Point of View: "Bakit hindi na sumasama si Markus sa atin? Mahigit isang linggo na rin,ah." Nagtatakang tanong sa akin ni Divina. Napabuntong hininga na lang ako sa tanong ng aking kaibigan. Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain ng aming meryenda. Hindi ko maiwasan ang aking sarili na hindi mapatingin sa kinaroroonan ng isang lalaki habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan o sa aming mga kateam sa valleyball. Gaya nga nang sinabi ni Divina, mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong ginawa ko ang aking plano. Plano na iparamdam kay Markus kung paano matanggihan ng isang tao, kung ano ang pakiramdam na iniiwan na lang bigla at hindi alam ang dahilan. Alam kong sobra sobra yung ginawa ko pero ganun naman yung mga ginagawa niya sa mga babaeng

