Chapter 14 Markus's Point of View: "Susunduin kita mamaya,ha! Sabay tayong meryenda at maglunch!" Sabi ko sa kanya habang nakaakbay ako sa kanyang balikat. "Oo na, pasok na ako kasi malapit na magsimula ang klase ko." Sagot niya sa akin na kinangisi ko! Inilibot ko ang aking paningin at nakita kong kakaunti naman ang tao dito. Kaya bago siya pumasok ay mabilis kong hinila ang kanyang kamay sabay nakaw ng halik sa kanya. Sa mismong labi niya! "Sige, kita na lang tayo mamaya,mahal!" Bulong ko sa kanya na kinatingin niya sa akin. Kitang kita ko ang pula ng kanyang mukha! Para akong baliw na nakangiti ngayon dahil sa kanya. "U-umalis ka na nga! Mamaya na lang tayo mag-usap." Huling mga salitang bibitiwan niya bago siya pumasok sa kanilang silid. Bago ako umalis sa kanilang building ay

