Chapter 13 Karl's Point of View : "Ano? Pwede ka ba mamaya?" "Saan ba tayo pupunta?" "Papatayin kita! Papatayin sa kilig at sarap!" Napailing na lamang ako sa kanyang mga sinasabi. Niyayaya niya kasi akong magdate ngayon. Sa totoo lang ay hindi na ako sigurado kung pang-ilang date na namin ito simula noong sinabi kong mahal ko siya at dapat niya akong ligawan. Kapag natatapos kami sa practise sa Volleyball ay hinihila na lang niya ako bigla at kapag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta ay sasabihin niyang magdedate kami. Kung sinasabi niyang date, hindi na gaya noong una na sa kalye lang kami. Ngayon ay dinadala niya talaga ako sa mga mamahaling resto. Nagtataka nga ako kung saan siya kumukuha ng pero pangdate namin eh kasi ang halos araw-araw kung yayain niya ako. Alam ko nama

