Chapter 12 Markus's Point of View : "Alam mo? Napapatanong ako sa sarili ko kung bakit naghahanap ka pa ng mamahalin mo eh nandito naman ako? Hindi ka naman magsisisi sa akin dahil alam kong mapagmahal ako, loyal ako, macho at gwapo! Kaya ano pang hinihintay mo? Sagutin mo na ako!" Padala kong text kay Karl. Kahit na hindi ko siya nakikita ngayon, alam kong namumula na naman siya dahil sa kilig. "Nakangiti ka na naman mag-isa diyan,Markus! Nagmumukha ka nang baliw!" Napatingin ako sa nagsalita. Nakatayo siya sa harap ng mesa at naghahanda ng aming agahan. "Walang basagan ng trip,Xandro! Makikita mo, luluhod din si Karl sa akin!" Sabi ko sa kanya. Napailing na lamang siya dahil sa sinabi ko at itinuloy na niya ang paghahanda ng aming agahan. "Magsabi ka nga Lover boy kung ano pa ang

