............. Markus's Point of View : "Ano ba ,Markus! Ang bagal mo! Bilisan mo naman nang kaunti!" Sigaw ni Coach sa akin. Napatingin ako sa kanya at nakapwesto siya sa taas sa may gilid ng net namin. Nabaling naman ang atensyon ko kay Karl na parang wala lang pakialam. Langya siya! Kung makaasta parang walang nangyayari sa pagitan namin! Hindi ba niya alam na naiinis ako sa sarili ko? Langya talaga! "Sige,isa pa!" Muling sigaw ni Coach. Naghanda na ako ng aking sarili para paluin ang magiging toss sa akin ni Karl. Inihagis na ni Coach ang bola paitaas na siyang hudyat para tumakbo ako ng mabilis. Gaya nga nang pinagsasanayan namin, imbes na itoss ni Karl sa akin ang bola ay itinoss niya ito sa kanyang likod. Mabilis akong tumakbo para sundan ang bola at tumalon ng mataas para sa pa

