Chapter 10 Margo's Point of View : "Sir, pinapatawag na po kayo sa hapag-kainan." Pagtawag ng isang katulong sa amin. Napatingin ako kay Karl na nasa aking tabi. Nginitian ko lang siya at inaya na pumasok na. "Ok lang ba talaga na nandito ako? Kanina nga ay sobrang hiya ko noong pinakilala mo ang mama mo sa akin." Tanong niya sa akin. "Ano ka ba naman,Karl. Alam ko naman na hindi na magtatagal at magiging parte ka na ng pamilyang to kaya huwag ka nang mahiya." Sagot ko sa kanya. Napabuntonghininga na lang siya at ngumiti. Nakangiti kong hinawakan ang kanyang kamay at sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad kaming dalawa ni Karl papasok sa aming bahay at nadatnan namin ang aking mga kapamilya na nakaupo na sa harap ng malaking lamesa. Magkatabi kaming unupo ni Karl. Kaharap

