Chapter 9 Karl's Point of View : "Papasok na po." Sagot ko sa tawag ng isang lalaking napakakulit! "Mag-ingat ka,ha! Sabi ko sayo, papakasalan pa kita!" Kahit na nasa kabilang linya siya, alam kong nakangisi na naman ang loko! "Kung ano ano yang sinasabi mo!" 'Di ko ring mapigilan ang mapangiti sa pinagsasabi niya. Aaminin ko naman na sa simpleng ganyan niya eh, may kumikiliti sa akin. "Ah basta, kapag sinabi ko,gagawin ko kaya humanda ka sa akin, papatayin kita sa kilig!" "Tumahimik ka na nga diyan,Margo! Lalabas na ako ng bahay at ikaw, siguradong malelate ka na sa kompanya niyo. Baka magalit na naman papa mo sayo!" Sagot ko pa. "Pabayaan mo sila. Alam mo naman." Napailing na lamang ako sa kanyang sagot. "Sige na nga, bye na muna,ha. Papasok na muna ako sa paaralan." Pagpapaalam

