Last Part The Campus Royalty: The Player Epilogue: Karl's Point of View: Damang dama ko ang lamig ng hanging dumadampi sa aking balat. Nakatingin sa kalangitang punong puno ng bituwing nagniningning. Nakangiti at hindi makapaniwala sa lahat ng nangyari. Sa simula ay puro galit ang naramdaman ko kay Markus. Nagplano na maghiganti para sa aking ate na binalewala niya noong malamang isa pala siyang bakla. Pero ano ang nangyari? Sa mga panahon na sinusunod ko ang aking mga plano ay maraming nangyari na hindi ko inasaan at isa na doon ay ang mahalin ko siya. Ang sabi nga nila, wala kang mapapalang maganda sa paghihiganti pero ako, mukhang bumaliktad ang kasabihan na yan. Nagkaroon ng kulay ang buhay ko nang makilala ko si Markus. Siguro ay ito ang paraan ng Maykapal para ako ay matuto.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


