Chapter 20 Karl's Point of View: Naramdaman kong may humahaplos na kamay sa aking mukha. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at una kong nakita ay ang mukha ng isang lalaki na halata ang pagkagulat. "Gising ka na,mahal! Gising ka na!" Masaya niyang sambit sa akin na halata ang saya sa kanya. "Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya kaya siya lumapit sa akin. "May kailangan ka ba? Masakit pa ba ang sugat mo? Tubig? Oo,tubig! Sandali at kukuha lang ako ng tubig sa kusina." Hindi niya sinagot ang aking tanong at lumabas na siya sa kwarto kung saan ako nakahiga. Gusto ko sanang tumayo pero nang igalaw ko ang aking katawan ay nakaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran. Napahawak ako dito at biglang bumalik lahat ng alaala sa aking isipan! Aksidente akong nabaril noon dahil sa pag-aagaw

