Markus's Point of View: "Nasaan na ba si Karl,Markus!?" Tanong ni coach sa akin. "Ang alam ko ay nauna na siya dito coach. Kanina sinundo ko siya, nauna na raw siyang umalis kanina!" Sagot ko kay coach. Sa totoo lang ay kanina pa ako nakakaramdam ng kaba. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may maling nangyayari. Kanina ko pa siya tinatawagan pero walang sumasagot! "Tawagan mo ulit! Malapit na magsimula ang laban!" Utos sa akin ni coach na agad ko namang ginawa pero wala pa rin! Nasaan ka na bang lalaki ka! Saan ka ba nagsusuot! Palinga linga ako sa buong lugar nagbabakasakaling mahagip siya ng aking mga mata. Wala! Walang Karl akong nakikita! Habang abala ako kakaisip kung nasaan si Karl ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong binuksan at nanlaki ang aking mga mata s

