Truth and Secrets

1495 Words
Nang makauwi na rin pareho ng bahay si Dee at Jacky ay pareho silang malalim ang iniisip.                 Si Jacky ay napaisip sa kanyang nakaraan. Ang laki laki ng utang na loob niya kay Dee dahil kung di sa kanya ay wala na siya at pangalawa siya ang dahilan kung bakit napagtanto niyang kailangan na niyang bagong panimula. Kailngan niya magmove on sa nakaraan lalo na ang kalimutan na niya si Philip nang tuluyan.                  Samantalang si Dee ay wala na din pinagkaiba sa mga iniisip ni Jacky, hindi man niya maamin pero magaan ang loob niya kay Jacky. Sa totoo lang ay crush niya ito nung makita palang niya ito sa bar. Pero lahat ng nasa isip ni Dee ay nahinto at nanagdecide nalang na lihim lahat. Ayaw na niyang balikan ang kahapon. Until now di parin niya napaptawad sarili niya kahit na di siya sinisi ng magulang. Hindi pure Pilipina si Dee, anak siya ng isang Aleman. Nagtratrabaho nun ang Mama niya sa isang resort ng makilala nito ang Papa niya. Nagmahalan ang mga magulang niya pero isang araw ay iniwan nito ang ina ng walang paalam. Lumipas ang panahon nag-asawa ulit ang mama niya sa kanyang Tatay Tomas at nagkaroon siya ng kapatid si Moira. Tinuring siyang tunay na anak ng kanyang tatay Tomas. Sa kabila nito dinadalangin pa rin ni Dee na makita ang tunay niyang ama. Kaya kahit ano pa ang pinapakita ng magulang niya na pagmamahal ay parang kulang. Pero natagpuan ni Dee ang ibang pagmamahal na nagpuno ng kulang sa buhay niya ng makilala si Amanda, kaklase niya sa high school. Mayaman at laki sa layaw, kahit pa nasa payak silang pamumuhay ay di siya kinahiya ni Amanda, maliban sa magulang nito na tutol sap ag-iibigan nila ni Dee. Minsan ay pinaalalahanan na ni Aling Cecile (ang ina ni Dee) ang anak na dumistansiya kay Amanda dahil masyado pa silang bata, pero di siya nakinig. Mahilig kasi gumala si Amanda at yun ang di gusto ng magulang ni Dee. Lagi si Dee sinasama, lalo pa nung nag graduate sila ng high school. Isang araw ay pinapunta ni Amanda sa isang bar sa province nila, sa hindi inaasahan ay nasali sa trouble si Dee kasama si Amanda at kaibigan nito. Hindi ito nakauwi ng bahay kaya hinanap siya ng ina nito kahit medaling araw pa. sa kasamaang palad ay nasagasaan ang kanyang ina, buti nalang ay may nakakita at itinakbo sa hospital at  nailigtas ito subalit naputulan ito ng paa. Nang malaman ito ni Dee ay pinuntahan niya ang ina. Pinagsisihan ni Dee ang nangyari  nang malaman niya na ang nakasagasa ay ang grupo na nakaaway nila. Dahil di niya mapatawad ang sarili ay hiniwalayan niya si Amanda at nagpunta ng Manila. Kailangan niya ituon lahat sa pamilya niya lalo pa ang tatay Tomas nalang ang naghahanap buhay at ang ina niyang lumpo ay may sakit, nandiyan pa ang kapatid niya na nag-aaral sa kolehiyo. At ngayon andito siya sa sitwasyon na nagpapaalala ng kanyang nakaraan, ayaw na niyang pasukin pa. Kailangan niya kalimutan ang totoong sarili niya.   Araw ang lumipas, linggo at maga buwan pilit na tinatago ni Dee ang sarili niya. Kasama nito ang nabubuong nararamdaman niya kay Jacky. Pinilit niyang ifocus sa pagmomodel lahat ng kanyang atensiyon. Minsan ay iniiwasan niya si Jacky para narin iwasan ang feelings na mabubuo nito sa kanya.                  Hindi naman napansin ni Jacky na kanina pa pala siya tulala at kanina pa din nakatingin si Jena habang naglalunch sila sa pantry. Jena: Hey girl (tinapik si Jacky) Jacky: Yeyes… Jena: Naku patay tayo diyan. Jacky: Bakit naman? Jena: In love ka noh? Yung mga mata mo at mga times na tulala ka, sign na yan friend. Jacky: Diba pwedeng may iniisip lang. In love na agad. Jena: Oi deny kapa alam mo artistahin ka din noh (tinutukso). Bakit di mo nalang kaya puntahan. Jacky: Sino? ( nagtataka) Jena: Yung na sa fifth floor. Jacky: Sino dun? Jena: Ay nagmamaangan pa. Your savior Jacky: Si Dee?? Jena: Sinabi mo pa. Jacky: For God’s sake Jena. I’m not gay. Jena: Bakit kailangan preference muna ng sexuality bago mainlove? Jacky: Hays kaloka ka talaga kung ano ano nalang ang pinagsasabi mo. Jena: Alam mo edeny mo pa ng sobra para lalo akong maniwala. Hindi ko na kailangan isa-isahin ang evidence na inlove ka dun. Jacky: Bumalik na nga tayo sa work. Kung ano ano nalang lumabas sa bibig mo eh.                 Samantala sa studio ni Miss Eve. Miss Eve: Ahm Dee can I talk to you for a sec. Dee: Yes Maam? Miss Eve: What’s holding with you? Dee: Po ano pong ibig niyong sabihin? Miss Eve: Pwede ka ba after training? I need to talk to you. Dun kana magdinner sa house. Dee: Po Miss Eve: Don't worry sandali lang naman, if wala kang gagawin. Dee: Ay wala naman po MIss eve.                 Pumayag naman si Dee medyo kabado kung ano ang sasabihin ng boss niya. After training ay isinama ni Eve si Dee sa bahay. Namangha si Dee sa laki ng bahay nito. After nila kumain ay nag-usap sila sa yard. Dee: Maam may problema po ba about sa akin? Dina po ba ako pasado sa training? Miss Eve: No, walang ganun. You’re good, oh not good, an excellent and fast learner actually mapaaga ata ang  pagmomodel mo,pwede kana namin isali e cover sa bagong design natin. Fast learner ka Dee but may kulang sayo. Now tell me, be honest with me, are you happy?  Dee: Actually Maam, I am happy, I’m embracing this new career. I know it’s not what really what I want but I used to it. Also it helps a lot sa family ko. Mas malaki ang naitutulong ko sa kanila finacially. Eve: Pag di ka nagmodel Dee anong gusto mong gawin sa buhay? Dee: I want to be a photographer Maam. Yun talaga pangarap ko since. Eve: Really, so ang  pangarap mo ay connected sa career nang pagmomodel. If may ask and okay lang sayo. Anong naghohold sayo para di mo ibigay sa sarili? Alam mo each pose mo sa camera you got the style,  there's happiness in what your doing but in your eyes theres something. If it’s about you s****l preference, well wala ng regulation na bawal yan as long as okey yung pose mo at nakakaconnect ka sa product at tao thats what important. You know Erika Linder parang my aura ka na ganun. Dee: Maam ano po yung sinasabi niyo na s****l preference po? (Kinakabahan) Eve: Well, una palang ay alam ko na kung anong klaseng tao ang nakakausap ko especially yung alam mo na yung same nag radar ko                 Doon ay kinuwento ni Eve kay Dee na she’s a lesbian a lipstick lesbian. ilang taon din niya nilihim ang trueself niya. Nag asawa siya sa amerika para takasan ang sarili niya pero mali siya That’s why her marriage did not go so well. She filed for a divorce para pareho silang makalaya ng husband niya. Pero kahit ganun ang ginawa ni Eve ay itinago parin niya ang totoong siya. Ayaw niyang pag-usapan siya ng lipunan. Alam ni Eve na hindi lahat ng mag-applause sa kanya sa pagiging honest niya na she’s a lesbian. Especially sa career kaya hanggat papano ginagawa niyang private ang  buhay niya Eve: I told you this Dee because ayaw kong gumaya ka sa akin ngayon. Holding back, afraid of doing things that can make you happy.  Hindi mapigilan ni Eve na umiyak nakacomfort naman si Dee, katagalan ay nag open narin ni Dee, ang lahat ng tungkol sa kanya. The past that hunts her till now. Lalong humanga si Eve sa sincerity ni Dee. Eve: Dee, everyone has mistakes in the past, wala na tayo magagawa dun di na natin pwede baguhin ang mga yun as long as may natutunan ka .Pero hindi rin naman lahat ng mga decision mo sa buhay ay pare-pareho lang ang kahihinatnan. I’m not saying na show or ilantad mo ang lahat but just accept it and don’t be afraid. If may rejections embrace it. Lahat ng yun part ng life ng tao.Don't hold back dahil sa nakaraan.  Kasi kung patuloy mo dadalhin yan maapektuhan lahat ng mga ginagawa mo sa kasalukuyan. Dee: Salamat miss. Salamat sa kabaitan mo. Eve: Ganyan ako sa mga employee ko Dee. Gusto ko kayo maging comfortable sa career niyo sa company ayaw kong andito lang kayo dahil you earn money. Gusto ko din maging comfortable kayo sa company. Gusto ko eenjoy niyo bawat moment niyo.                 Lahat ng nasabi ni Eve ay tumatak sa puso ni Dee. Marami siyang natutunan at narealize sa buhay. Marahil ay tama ang boss niya . She needs to accepts and loosin up. Kailangan na niya tanggapin ang sarili niya. Kailangan na niya patawarin sarili niya at e let go ang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD