Jena: Oi Dee kamusta?
Dee: Okay lang Maam Jen.
Jena: Ay ano kaba Jen nalang masyado ka naman pormal. Siyanga pala nakwento ni Jacky may experience ka daw sa bartending?
Dee: Opo
Jena: Hays… Tinanggal mo nga ang maam may opo naman.
Dee: (nakasmile) Ay sorry Jen.
Jena: Yan, kasi ganito may magbibirthday kasi tomorrow na model si Steph, so we’re planning to have a party eh wala kaming makuha na bartender, pwedeng ikaw na lang? Don’t worry we’re going to help kung may kailangan. And about sa sa payment okey na din
Dee: Okay Jen. Medyo namiss ko na nga din mag bartender. Tsaka free ko na yun
Jena: anong free ka diyan. Bayad yun noh. I’m going to text you the location.
Dee: Okay.
Sa tagal din na nagtraining si Dee ay marami narin siyang nakasundo at naging kaibigan. Naging smooth narin sa kanya ang career niya. Pero kinakabahan siya ng sinabi ni Eve na by next week na ang grand opening ng new clothing line at she’s the one who will wear the fabulous dress that Jacky’s department made.
Pauwi na si Dee ng biglang bumuhos ang ulan pagkalabas niya. Tiyempo naman na pagdaan ni Jacky drive ang sasakyan niya. Nagbusina si Jacky at nag-offer ng sakay kay Dee.
Dee: (sumakay) okay lang Jacky magbook lang ako ng grab.
Jacky: Wag kana magbook kasi for sure matatagalan ka.
Dee: Di okay lang talaga.
Jacky: Pauwi na din ako. Kaya sakay na.
Dee: Pangalawa na to.
Jacky: Ano ka ba, madadaanan ko naman ang lugar niyo.
Sumakay na rin si Dee at bigla napaisip.
Dee: Okay. Ahm, Jacky? Can I call you Jacky? Di ba sabi mo after work.
Jacky: Oo. Medyo weird ka talaga.
Dee: Naniniguro lang (ngumiti). Ahm Jacky may gagawin ka pa ba pag-uwi mo?
Jacky: Wala naman manonood lang naman ako ng movies bago matulog.
Dee: Hindi ka kumakain sa gabi?
Jacky: Kumakain siyempre. Why?
Dee: Pwede daan tayo ng Tomas Morato? Kain tayo treat kita. Bawi naman ako sayo. Tsaka di pa kita treat since binigyan mo ako ng trabaho. Kumakain ka naman kahit saan diba?
Jacky: (nagulat sa offer) Grabe naman yung tanong. Oo naman basta di sa mga exotic.
Dee: Hahaha di din ako pumupunta sa ganun. Tsaka don’t worry also it’s not a date or something, gusto lang kita e-treat dahil tinulungan mo akong magkatrabaho, yun lang. (Nagulat sa nasabing date)
Jacky: (Di alam ni Jacky ano isasagot niya sa sinabi ni Dee, nagulat siya sa salitang date kung bakit niya nasabi yun pero bakit may parang kaba sa puso niya) okay ( tumango)
Pagkarating nila sa may Tomas Morato, ipinarada ni Jacky ang sasakyan sa may restaurant na sinabi ni Dee .Di naman ito gaanong sikat at sosyal sa labas pero pagpasok ay parang na sa probinsya ka dahil sa paintings nito na nakapalibot. Bundok, palayan at klase-klaseng nature view.
Dee: Ako na mag-oorder Jacky, gusto ko ipatikim sayo ang specialty nila dito.
Nang Makita ni Jacky na seafoods ang main dish nila. Combination ito ng Bisaya at Ilokano na ulam.
Maya may parang di na makatayo si Jacky dahil sa busog niya. First time in her life nakakain siya ng ganun kadaming food. Di pa nga nila naubos ang inorder pero ipinabalot ito ni Dee. Papunta na ng kotse sina Jacky ng biglang may tinawag si Dee. Lumapit ang dalawang bata at halatang hirap ito sa buhay. Iniabot ni Dee ang pinabalot na pagkain at halatang excited ito. Tiningnan ni Jacky sina Dee.
Dee: Kumusta na kayo (kausap ang dalawang bata)
Bata: Okay lang kami, ate Dee. Ang tagal mo nang di napunta dito, tsaka parang iba na ata itsura mo ngayon ah? yumayaman kana ata ate Dee o In love ka ba?
Dee: Hala ang bata niyo pa inlove inlove kayo diyan. (Naalala bigla na kasama niya si Jacky) Nga pala may kasama ako (tinawag si Jacky at pinakilala)
Nakipagkwentuhan muna sila Jacky at Dee sa mga bata. Bago umuwi ay nagbigay si Jacky ng pera sa mga bata pero tumanggi ang mga ito at sinabi na bumili nalang siya ng sampaguita. Napahanga si Jacky sa mga bata kaya binili niya lahat ng paninda.
Jacky: (pauwi at nasa kotse) Dee mahilig ka pala sa bata?
Dee: Medyo, bakit mo naman nasabi yun? Ah oh I see dahil kanina?
Jacky: Ahm… yup
Dee: Di ko naman sinasabi na gustong gusto ko ng bata, it’s just nakikita ko lang kay Ken at Luisa ang kagandahan ng buhay. Kahit na hirap sila, they are still fighting to live and even smile you know. Naghahanap buhay sila ng matino. Humahanga ako sa mga bata na yun.
Jacky: HMmmp.. ikaw ba yan ghandi?
Dee: Luh Ghandi talaga?
Jacky:The way you talk kasi. Daming wisdom .
Dee: Ha? Ganito lang talaga ako weird.
Jacky: Kasi the way you talk laging may sense parang bagay sayo maging teacher or spokesman, maybe ambassador.
Nagtawanan
Naigng masaya ang gabi ni Jacky. Hanggang condo niya ay dala ang ngiti. Unti-unti niyang nakilala si Dee. Sa sense of humor at pagkakaroon nito ng big heart. Sana nga lang naging lalaki ito. Alam ni Jacky na she may had felt something for Dee, pero she needs to hide it. Di pa siya sure sa lahat ng nararamdaman niya maybe na overwhelm siya sa lahat ng nakikita niya dito.Hindi tama at lalo na she’s not sure if Dee is gay or straight especially with herself.
Dumating ang araw ng birthday ng kasamahang model ni Dee. Inenjoy niya ang pagiging bartender. Lahat ng nasa mataas na position sa company ay andun. Di maiwasan ni Dee na sulyapan si Jacky.
Dee: Oh God, please kailangan ko pigilan . Ang ganda niya at yaman para mapansin ako. Baka nga di siya open sa lgbt eh. Naku Dee ano ba tong pinasok mo. (sabi ni Dee sa sarili)
Halos lahat ng nasa party ay tipsy na kasama na dun si Jacky. Medyo nakapagpahinga si Dee ng palitan siya ng isang hired na bartender.
Jena: Dee, thank you (tipsy na rin). Halika punta tayo dun (dinala sa kinaroroonan nila Jacky at kasama nito) Guys this is Dee our awesome bartender na naglasing sa ating lahat.
Nagtawanan ang mga kaibigan ni Jena, samantalang si Jacky ay tahimik lang.
Jacky: Dee can I talk to you?
Dee: Sure
Hinila siya ni Jacky papuntang restroom. Nagulat si Dee ng pumasok si Jacky sa isang cubicle at hinila siya.
Jacky: I need to do this (nilock ang pinto at biglang hinalikan si Dee)
Dee: (Lalong nagulat si Dee sa ginawa ni Jacky)
Gusto ni Dee ang pangyayari kaso nasa isip niya na baka lasing si Jacky at ayaw niyang e-take advantage ito, kaya siya na ang gumawa ng paraan para matigil ang halikan nila ni Jacky. Tinulak niya ng kaunti si Jacky at parang nahimasmasan ito.
Jacky: (Medyo napahiya kahit lasing ay ramdam niya ang pag-iwas ni Dee) I knew it. You’re straight. I’m sorry (bubuksan na sana ang pinto pero hinawakan siya ni Dee)
Dee: You’re drunk Jack....
Jacky: Not really. I’m sorry for my actions. I just can’t take it anymore.
Dee: Bukas after ng shift ko hihintayin kita. Kailangan natin mag-usap.
Jacky: Para saan? Look Dee I’m really sorry. Lets forget it nalang.
Dee: (Binuksan ang pinto) Basta bukas (lumabas ng cubicle)
Dahil na rin sa hiya ng ginawa ni Jacky ay naisipan niyang umuwi nalang pagkatapos ng pangyayari. Kinaumagahan nagising si Jacky sa sakit ng ulo niya at naalala ang ginawa niya.
Jacky: Arrgg… What have I done? (sabi nito sa sarili)
Gusto sanang di na pumasok ni Jacky, pero kailangan niya matapos ang trabaho niya. Pagdating sa building ay di niya inaasahan na makasabay niya si Dee. Di niya alam ano ang sasabihin niya. Pagkalabas ni Jacky sa elevator ay nagulat siya sa sinabi ni Dee.
Dee: See you later
Lalo siyang kinabahan dahil mukhang naalala talaga nito ang lahat. Baka sabunutan siya nito dahil nandiri sa ginawa niyang halik. oh di kaya sabihin nito kay Eve lahat.Gusto na ni Jacky mag-overtime para iwasan ni Dee pero kailangan niya harapin ang consequences ng ginawa niya. Medyo nakahinga si Jacky ng paglabas niya ng opisina ay walang Dee na naghihintay sa lounge area, pero napawi ang tuwa ng pagpunta ng parking lot ay andun si Dee. Parang sasabog ang kaba niya ng lumapit si Dee.
Dee: Pwede sa bahay tayo mag-usap (seryoso ito) kung okay lang?
Jacky: Sige, okay lang.
Di mapakali si Jacky habang nagdadrive ito. Di siya makahinga sa kaba. Kinakabahan siya na baka pagdating nila sa bahay ay nandun ang boyfriend ni Dee. Parehong walang imik si Jacky at Dee. Nang makarating sila sa apartment ni Dee ay nakita ni Jacky ang kunting pagbabago sa lifestyle ni Dee.
Dee: Juice, iced tea? (tanong nito kay Jacky)
Jacky: Water na lang (kinabahan pero kunti nalang kasi nag-iisas lang pala si Dee at walang boyfriend na naghihintay). Look Dee, I’m sorry sa nangyari kagabi, alam kong hindi tama ang ginawa ko.
Dee: (Inabot ang tubig kay Jacky) Yes, de tama yun Jack. What’s the reason why did you do it?
Jacky: (Bumuntong hininga) Look Dee, ayaw ko na rin magsinungaling. This past few days or maybe more, I feel strange about you. And this feeling is really new. Di ko alam kung bakit, I just decided that if I will kiss you maybe I will find the truth about this feeling.
Dee: Anong nalaman mo after that Jack? May naramdaman ka ba after that? (Lumapit kay Jacky)
Jacky: Ha? (Natataranta sa paglapit ni Dee at kung ano ang isasagot niya) Dee… Bakit mo naitanong kung may naramdaman ako o wala?
Dee: (Lalong lumapit kay Jacky) Ako yung hinalikan mo diba? So I have the right to know. Anong naramdaman mo Jack?
Lalong lumapit ang mukha ni Dee kay Jacky. Lumundag sa kaba ang puso ni Jacky ngayong halos malapit na ng sobra sa mukha niya si Dee. Ibang-iba ito sa time na siya ang humalik.
Jacky: Dee, what are you doing?
Dee: I want to know Jack what’s the feeling?
Nung una ay gusto lang subukin ni Dee kung ano ba talaga ang nararamdaman ni Jacky pero sa nagkalapit na ang kanilang mukha at nakikita niya ang mapupulang labi ni Jacky, gusto na niya itong halikan.
Jacky: Okay, stop!!! Dee I’m sorry, okay. I know you’re straight and it’s wrong to kiss a girl, so I’m sorry. I’m… I’m…
Di na natapos ang mga sasabihin ni Jacky ng dumampi sa labi niya ang lips ni Dee. Sa una ay sobrang shock siya pero sa tumagal ay nawalan na siya ng control. She kiss Dee back. At first ay gentle pa ang halikan pero nadala sila pareho ng emotion.
Tumagal ang halikan ni Jacky at Dee hanggang bumalik ang pag-iisip ni Jacky.
Jacky: What are we doing Dee? (Inayos ang sarili)
Dee: (Nakaramdamng ackwardness) I just want to…
Jacky: (Dinugtungan ang sasabihin ni Dee) Experiment? Okay Dee, kalimutan natin na nangyari to okay. Kahit ako ay di rin alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. I need to go.
Hindi nakaalis si Jacky ng bigla siyang yakapin ni Dee.
Dee: I like you Jacky. I really like you. The moment na nakita kita sa bar nalaman ko na I like you. Takot lang ako magshow ng feelings ko dahil nasa taas ka at nasa lupa lang ako.
Jacky: (Di makapaniwala) I don’t know what to say Dee. I’m not expecting these words.
Dee: Wala akong hinihintay na kapalit Jack, gusto ko lang malaman mo lahat ng to. Sa araw araw na nililihim kong lahat ng to parang sasabog ako. I'm fallin in love with you Jacky....