Hindi makapaniwala si Jacky sa lahat ng narinig niya from Dee. Dee is in love with her. Marami man tanong sa isip niya pero mas nangingibabaw ang kaligayan na mahal siya ni Dee. Pero gusto na muna niyang siguraduhin lahat.
Jacky: Dee, paano? Naguguluhan ako. Paano ka nainlove sakin eh mas babae ka tingnan. I mean. Oo last time when i first saw you nung bartender ka astig ka pero...Your not look like a tomboy. Your , like that. ( naguguluhan parin si Jacky)
Dee: (May kinuha siya sa wallet at pinakita niya kay Jacky) I kept that self for years.
Nagulat si Jacky ng makita ang larawan ni dee na sobrang boyish, maiksi ang buhok at kagaya ng pangkaraniwan na butch.
Jacky: What happened?
Dee: It's a very long story. Akala ko kaya ko panindigan kalimutan kung ano talaga ako then I met you. BInuhay mo ulit yung puso ko. I try to fight it pero ikaw talaga ang wekness ko Jack.
Jacky: Pinakaba mo ako ng sobra Dee akala ko kaya mo ko dinala dito para ipakilala boyfriend mo.
Dee: Huh? bakit mo naman na isip yun?
Jacky: Eh kasi nung nasa cr.
Dee: Jack ayaw ko etake advantage ang situation. Lasing ka nun. Tsaka gusto ko makasure sa lahat. Iniisip ko din na nag eexperiment ka lang. So i wait till this time.
Jacky: so your realy in love with me?
Dee: I am. Kaya nga ako nakausap ni Miss eve kasi im distracted by you.
Jacky: so Miss Eve knows?
Dee: About myself yes but about what i felt for you, I never mention it to her. Ayaw ko magkaroon ka ng issue. Now tell me Jack? Lahat din ba ng narinig ko is totoo?
Jacky: Yes Dee pero I have no idea about this Dee. Diko alam ang ganito.
Dee: Ayaw kong madaliin ang lahat para sa atin. Gusto ko esure muna natin ang lahat, okay? (Tumango si Jacky at niyakap si Dee)
Naging makulay ang gabi ni Jacky sa apartment ni Dee. Madami silang napag-sapan at napagkwentuhan. Unti-unti pa nilang nakilala ang bawat isa, kaya naman ng makauwi si Jacky ng condo ay halos abot tenga ang mga ngiti niya. Since naghiwalay sila ni Philip ay ngayon lang niya naramdaman ulit ang happiness ng buhay. Nabuhay ulit yung puso niya. Ibang iba yung nararamdaman niya ngayon kaysa nung naging sila Philip.
Dahil sa ayaw ni Jacky at Dee nap ag-sapan ang kanilang personal life ay nilihim muna nila ang namamagitan sa kanila. Patago ang kanilang date at pagkikita. Lumipas ang ilang buwan ay naging successful ang career ni Dee bilang model. Lahat ng mga clothing line na inendorse na kasama siya ay naging patok sa mga consumer. Maraming offer kay Dee na mga magazine para gawin siyang cover o model. Ang relasyon naman nila Jacky at Dee ay naging maayos pareho man silang busy ay palihim nilang binibigyan ng panahon ang isa’t isa.
Walang work sina Dee at Jacky kaya naisip nila magbonding at pumunta sa isang exclusive bar. Mas pinili nilang hindi magpunta sa sikat na bar baka makita sila ng mga tao na gusto pakialaman ang relasyon nila. Pero ang inaasahang bonding nila ay naging worst bonding kay Jacky ng makita niya si Philip. Pumunta siya ng restroom ng pagbalik niya ay nagulat siya nang nakita niyang kinakausap ni Philip si Dee. Alam niyang pinopormahan nito si Dee. She knew Philip. Naisip ni Jacky na di talaga maiwasan na may pumorma kay Dee dahil sikat na at sa hubog palang nang katawan ay di mo akalain na lesbian pala ito. Nakaramdam si Jacky ng selos sa nakita. Medyo irritated narin si Jacky sa discreet na relationship nila pero kailangan ito para na rin sa career ni Dee. Baka magkaroon ng misinterpretation kung epublic nito ang relasyon nilang dalawa. Papalapit si Jacky ng makita siya ni Dee.
Dee: Oh by the way nandito na pala ang kasama ko.
Lumingon si Philip at nagulat ng makita si Jacky. Hindi makapaniwala si Philip na after a long time makiita niya ulit si Jacky. Pero di siya lalong makapaniwala na di niya mapopormahan si Dee kasi kasama nito ang ex nobya.
Jacky: (Bumulong ito) we need to go now “babe” (endarement nila)
Dee: Why is there any problem? May paparazzi ba o taga media?
Jacky: No wala (sigh) Philip is here.
Dee: Ha? Your ex? Saan?
Jacky: Yung kausap mo kanina.
Dee: Huh? Si Ivan?
Jacky: Wooh… yun pala ginamit niya. Well he’s name is Philip Ivan Boromeo.
Dee: Oh? I’m sorry I didn’t know him kala ko isa lang siya sa mga boys na humahanga sa pagiging model ko. Okey “babe” siya pala yung nagpaluha sayo? Ano bugbugin na natin? (pabiro)
Jacky: Loko, matagal na ako naka move-on pero di ko lang gusto makita na nakikipag-usap siya sa GF ko. (Nakasmile ito kay Dee)
Dahil di na makatiis si Philip sa paghihintay niya kay Dee ay nilapitan niya sila Jacky.
Ayaw na ayaw niyang pinaghihintay siya. Mataas ang tingin ni Philip sa sarili.
Philip: Hi Jack, long time no see.
Jacky: (Pilit ito na ngumiti) Yeah, how’s life?
Philip: Better, Ahm Jacky I hope okey na tayo?
Jacky: yeah were okey Philip, ay sorry Ivan pala.
Philip: Oh i use my other name alam mo na medyo di naging maganda ang Philip.
Jacky : Ah okey
Nagkaroon ng kunting akward kay Philip at Jacky. Pero di na natuloy ang pag-uwi nila Jacky at Dee ng makitang may member ng press na lumapit. Una ay may tinanong tungkol sa kanila Jacky at Dee parang naghinala ito na may relasyon sila. Siguro nagkaroon ng radar sa kanila kasi gay ito pero agad itong itinanggi ni Jacky, ayaw niya masira ang career ni Dee kaya ginawaan niya ng kwento at nagulat siya ng biglang nagsalita si Philip.
Confident na sumambat si Philip.
Philip: Dee is with me and her friend Jacky.
Nagkaroon ng bulong bulongan ang mga nakarinig at ang press .May nagsabi pa na bagay si Dee at Philip. Maraming nakakakilala kay Philip dahil isa itong anak nang isang mayaman na bussiness man at may hitsura na bachelor. Ano paman ang gawin ni Philip na kalokohan ay di ito lumalabas in public kasi controlado ng pamilya niya lahat. Pati ang past nila Jacky ay di rin naisapubliko because of the maipulation of press. Kaya naman si Philip ay confident gawin ang mga bagay bagay kasi alam niya back up niya ang family niya.
Di makapaniwala si Dee sa mga pangyayari pero alam niyang kailangan niya pakinggan si Jacky, para tuloy siyang ibon na nakakulong sa hawla, no freedom pati na ang nararamdaman niya kay Jacky ay kailangan ilihim at maging patago. Gusto niyang suntukin si Philip dahil sa sobrang presko nito at sa issue na ginawa.
Bago umuwi ay kinausap ni Philip si Jacky at sinabi nito na gusto niya si Dee at nagpapatulong ito sa kanya. Uminit ang dugo ni Jacky sa narinig pero pinilit niyang ecompose ang sarili itago lahat ng nararamdaman niya. Gustong gusto sabihin ni Jacky na stay away from my girlfriend pero wala siyang nagawa kundi mapatango nalang.
Pauwi na si Dee at Jacky sakay ng bagong hinuhulugan na kotse ni Dee, di sila nagkibuan hanggang magsalita si Dee.
Dee: Why did you say those lies? Bakit ka pumayag?
Jacky: For your protection and para narin sa career mo Dee.
Dee: Paano feelings ko? Tayo? Kailangan ba itago at isa pa nakisakay pa ang ex mo. Di nga niya nabanggit na past ka niya. I don't want this life kung ililhim lang kita.
Jacky: About kay Philip , I knew him kaya mas pinili kung sumang ayon at tumahimik. Philip dont accept rejection. Kung mag rereact ako baka yung career mo mawawala Dee. I don;t want that.
Dee: Aanhin ko naman ang career kung kasinungalingan naman pala lahat. Jacky I want the world to know how much I love you.
Jacky: (Na-touch sa sinabi) Dee di lang ako kailangan mong isipin this time. Andiyan ang family mo. Darating din ang araw na magaging open tayo sa lahat but for now titiisin muna natin Dee, okey. (At hinawakan ang kamay ni Dee)
Nang dahil sa nangyari sa bar ay nagkaroon ng issue sa tabloid ang tungkol kay Dee at Philip. Nakarating ang balita ni Dee at Philip kay Eve, dahil sa gusto narin mapanatili ang good businesss at fame kay Dee ay hiningi na muna ni Eve niya Dee na hayaan muna ang chismis at sakyan muna ang issue nila Philip
Hindi naging madali ang pagpapanggap ni Dee, minsan ay gusto na niyang isigaw na “I like girls” pero wala siyang magawa, may responsibilidad siya sa company. She needs this job para sa magandang kinabukasan niya at sa family niya. Si Jacky naman ay nahihirapan at nastressed sa issue dahil nasabi ng isang mutual friend nila ni Philip na nasabi nito that patay na patay si Dee sa kanya at di siya mahihirapan na maging girlfriend ito.
Dahil sa mga pangyayari ay dina nakayanan ni Jacky ang stress na nangyayari sa kanilang relasyon ni Dee. Di niya akalain na mahirap pala pagsabayan ang ganitong relasyon at career. Naisipan ni Jacky mag inom sa isang bar. Gusto niya mapag isa.Dahil kahit na gustohin niyang makasama ang girfriend eh di pwede.Di niya intensiyon maglasing dahil nadala na siya noon gusto lang niyang mapag-isa this time.Dahil kilala siya ay marami din na lumapit sa upuan niya malapit sa tavern pero agad niya itong pinapaalis. She just want Dee at that time. Marami ng attempt na gusting isayaw si Jacky pero ayaw niya. Nakukulitan na si Jacky hanggang sa nakita niya si Dee papalapit.
Dee: Guys… back off she’s with me.
Nagbulungan ang mga lalaki at ang iba ay natuwa dahil na sa harap nila si Dee ang sikat na model.
Jacky: Paano mo nalaman na andito ako tsaka di ba you’re supposed to be with Philip?
Dee: Si Jena nagsabi sa akin at about kay Philip, well I’m done of this lies. Kung pwede ko lang suntukin ex mo ay sinuntok ko na.
Jacky: sssshhh. Baka may makarinig.
Dee: Let’s not talk about him Jack. Please.
May lumapit na lasing na lalaki sa kanila ni Dee
Lalaki: Girls wanna have fun?
Jacky: No were good in here.
Dee: Back off dude.
Lalaki: Oh i like this attitude.
Dina matiis ni Dee at wala siyang ibang gustong gawin. Ipakita sa mundo na she's gay and she 's so much in love with Jacky.
Nagulat ang lahat ng nakapaligid nang hinalikan ni Dee si Jacky sa lips. Nagulat din si Jacky sa ginawa ni Dee, gustuhin man niya na i-push si Dee pero di napigilan ng puso niya ang gantihan ang halik nito. She miss her girlfriend so much. Lahat ng nakakita ay bumagsak ang panga sa nasaksihan. Dee and Jacky are having an intimate and hot kiss. Di makapaniwala ang mga andun sa nangyari. Two hot and popular women in fashion world shared an intimate kiss After ng halikan nila ni Dee ay magkahawak kamay silang dalawa at lumabas ng bar.