CHAPTER 3

946 Words
Mission's POV: Ibinaling ko na muna ang atensyon ko sa ibang bagay dahil ayaw ko naman masyadong tumitig sa kabilang table. Maya-maya ay dumating na rin na ang mga inorder naming drinks. Dalawang bucket ito na Smirnoff, pambata naman ito. Madalang akong uminom pero mahirap akong malasing. Laging ako ang nahuhuling tayo sa aming lahat. "Pambata naman itong binili niyo. Wala man lang bang hard drinks?" tanong ko sa kanila. "Aba, ang yabang mo Hiraya ah! Mamaya kapag naglabas kami ng tequila ewan ko na lang. Sanay ka sa pangkantong inumin pero international hindi pa," nakangising sabi ni Hailey. "Iyang mga alak, pare-pareho lang iyan kahit international brand pa. Magkakaiba lang ng alcohol percentage kaya iba't iba ng epekto," sabi ko naman at nilaklak ang Smirnoff ko. Naubos namin ang dalawang bucket at nakatatlo ako. Wala pa rin akong tama kaya nagulat naman ako nang may dumating na Black Label sa lamesa namin. Alam ko ang alak na ito at medyo pricey siya. Hindi naman kami bumili ng ganito dahil hindi namin afford. Tinatanong ko pa nga kung may gin bilog kaso hindi pala iyon uso rito. "Kanino po galing iyan? Wala po kaming ganiyan na inoorder," tanong ko sa waitress. "Ay ma'am, bigay po nung kabilang table. Napag-utusan lang po akong ibigay sa inyo. Bigay raw po sa inyo ni Sir Mission, iyon pong gwapo na nakaupo sa gitna nila na nakasuot ng navy blue suit," sagot ng waitress bago umalis. Napatingin naman ako sa kabilang table at doon ako kinindatan nung Mission. Grabe, kinilig yata ako. Ngayon ko narealize na hindi ko yata sineryoso si Creed, may problema din naman yata ako sa relasyon namin. I just love the fact of being in a relationship. Natatakot kasi akong tumanda na mag-isa. Napailing na lamang ako at nagsalin ng Black Label sa baso ko bago uminom. May kasalanan din naman ako but it is also wrong to cheat. Ang kapal pa rin ng mukha niya. Tang inang Creed na iyon. Umikot na ang tagay naming magkakaibigan at sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng talab. Mainit sa pakiramdam ang alak at talagang mapapakilig ka sa lasa dahil habang tumatagal lalong pumapait ang lasa parang relasyon lang. "Hi girls, can we join you?" Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin itong gwapong lalaki na nakatayo sa aming unahan. Mukha itong may lahi dahil blue eyes. Nasa likod naman niya itong si Mission na nagbigay sa amin nitong black label. Ngayon ko nga lang natikman itong black label, ang lakas ng tama sa akin. Kapag ako ay nalasing kasalanan niya iyon. "Sure, have a seat! Kami-kami lang din naman at wala kaming kasama!" masayang sabi ni Hailey at inimbitahang maupo ang mga gwapong ito. Kaniya-kaniya silang magkakaibigan na humanap ng kapartner sa amin. Tumabi naman sa akin si Mission na nginitian ko. Kita ko naman ang kaniyang pagngisi. Mission's POV: "Hey mga dude, pusta ko kotse ko kapag hindi lumandi itong si Mission ngayon!" nakangising sabi ni Rafael. "Ulol, syempre hindi iyan lalandi. Ipupusta ko na ang yate kong si Veronica my love. f*****g bet it on," nakangisi namang sabi ni Luigi. I smirked dahil sa kalokohan nila. I just don't wanna hang out with girls because most of them are flirts. Lalandiin lamang ako and eventually they will ask me if I can bang them. Call me old-fashioned but I'm keeping my virginity for the girl whom I will love for the rest of my life. Gusto ko rin sa babae 'yong medyo funny like mom. "Kuya, show them what you got. Papasko mo na sa akin ang yate ni Kuya Luigi," bulong sa akin ni Zyair. "No worries," nakangisi ko naman ding bulong. Napasipol ang mga kasama ko habang nakatingin sa may entrance nitong bar kaya nag-angat ako ng tingin. And that woman in the middle captured my eyes, she's goddamn beautiful. Tipo ko sa mga babae ay morena, simple, at mahinhin ang datingan. Sexy rin siya at may ibabat-bat sa mga modelong nasa telebisyon. "s**t, gaganda naman ng mga iyan! Let's go and ask for their numbers," sabi ni Marco. "That one in red dress is mine," sabi ni Luigi. "Cut it off, Luigi. She's mine. She is my type," sabi ko at sumimsim ng alak. Nalaglag ang panga ni Luigi maging ni Rafael. Tuwang-tuwa naman si Zyair dahil mapupunta na sa kaniya ang yate ni Luigi. Gusto niya ang yateng iyon matagal na. "Mukhang nahipan ka ng hangin pare ah. Akala ko bading ka na," asar sa akin ni Rafael. "Kahit bading pa iyan si Mission, mahal ka pa rin namin pare!" sabi naman ni Marco. Pasulyap-sulyap lamang ako sa gawi nung mga babae. Nasusulyapan ko rin 'yong babaeng natipuhan ko na nakasuot ng red dress. Maya-maya ay nagpadala ako ng alak sa table nila at pinasabi ang pangalan ko. She caught my attention, this is the first time after so many years. Nang makita naming may mga tama na sila ay tumabi na kami at lumapit sa kanilang table. Not to take advantage but to protect them. Hindi kami katulad nang iniisip ng iba lalo na ako. Tumabi ako kay girl in the red dress. Kita ko naman ang pagning-ning ng mata niya. "Hi, I am Mission. What is your name?" tanong ko sa kaniya. "Hiraya, Hiraya Mae Coneption it is," nakangiti niyang sagot at nagshake hands kami. Her hands were so soft. Babaeng-babae rin ang amoy niya. She's even more beautiful sa malapitan. "Wanna dance?" yaya ko sa kaniya at inilahad ang kamay ko. "Oh sure!" masaya niyang tugon at tinanggap ang kamay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD