CHAPTER 2

1048 Words
Hiraya's POV: Nang makarating ako sa bangko ay agad akong pumasok sa loob at naglog. Buong hapon akong nagtrabaho hanggang sa dumating ang uwian. Pinakaayaw ko kasing natitira ditong mag-isa at nag-oovertime. Takot pa man din akong mag-isa tapos sobrang tahimik at nakakatakot ang paligid. "Huy Hiraya, grabe tingnan mo ito! Hindi ba at nililigawan ka ni Creed?" tawag ni Susan sa akin. "Oo bakit?" tanong ko at lumapit kay Susan. "Naku iyan, panoorin mo! Hala ang walang hiya pala niyan at babaero! Akala ko pa naman ay matino!" nakangiwing sabi ni Susan. Iniabot niya sa akin ang kaniyang cellphone kaya pinanood ko naman ang nakaflash na video. Nanlaki naman ang mata ko dahil si Creed nga ito. May babae sa unahan niya na nagtutwerk. Ang gago ay pinuwitan pa ang babaeng p****k na sumasayaw bago uminom ng alak. Ang gagong ito, manloloko! Akala nila Susan ay nanliligaw pa lamang sa akin si Creed pero isang buwan na kaming magkarelasyon. Ang akala naman ng pamilya ko ay NBSB ako simula ng kapanganakan ko. Pero kaya hindi ko sinasabi dahil lagi akong niloloko! Tang ina naman, pang-apat na ito kaya nahihiya akong magpakilala ng lalaki sa pamilya ko. Wala kasing nagtatagal. "Walang hiyang lalaki, hindi na nandiri sa sarili niya! Gwapo nga pero mabaho naman ang hininga! Lagi pang may paminta sa ngipin hindi man lang nagsisipilyo nagawa pang manloko!" inis kong sigaw at muntik pang maibato ang cellphone ni Susan. "Ay be, kumalma ka. Cellphone ko iyan at Iphone 12 Maxpro iyan ha," awat sa akin ni Susan kaya iniabot ko naman ang cp sa kaniya. "Ay, pasensya ka na. Nadala lang ako," nakangiwi kong sabi. Hinang-hina ako matapos mapanood ang video. Si Creed ang first kiss ko pagkatapos ay sobrang babaero pala ang loko. Hindi na ako nadala sa pagpili ng tamang lalaki. Mga bwisit na manloloko, magsama kayo. "Yow wazzup! Nabalitaan niyo ba?" sigaw ni Hailey habang papalabas ng bangko. Si Hailey ang bestfriend ko na ubod ng chismosa. Minsan din ay nadudulas ito sa mga sikreto. Kaya kami nagkasundo dati dahil siya ang source ko ng chismis habang ako ang taga-chainmail sa mga ka-bank teller namin. "Nandito talaga ako, Hailey. Kung tungkol kay Creed ay alam na naming lahat," buntong hininga kong sabi. Kita ko naman ang dumaang lungkot sa mga mata ni Hailey. Kahit paloko-loko kaming dalawa minsan, sa seryosong usapan naman ay nasasaktan pa rin kami. Alam niya kung gaano ako kasaya kay Creed pero heto ngayon at kalat pa ang video niya sa f*******:. "I'm sorry, Hiraya. Sabi na at dapat sinusundan natin si Creed. Manloloko pala ang pepper eater na iyon," sabi ni Hailey. "Pepper eater?" takang tanong ko. "Kumakain ng paminta. Laging may paminta sa ngipin ang hayop na iyon," sagot ni Hailey kaya napailing naman ako. Saglit kaming nag-usap ni Hailey nang malinaw. Sinabi niya ng buo ang chismis kay Creed. May nagleak din daw itong video kanina lamang din na nakikipag-halikan sa bar. Mayaman si Creed at isang milyonaryo kaya sikat siyang tao. Iyon nga lang, karamihan sa mayayaman ay babaero. "Alam mo, iinom na lang natin iyan. Sumama ka sa amin at magbar tayo! Hindi ba girls?" sabi ni Hailey at nilingon sila Susan. "Tama, let's go! Kakasweldo lang natin last week!" sigaw naman ni Kris. "Oo na tara, sasama ako sa inyo ngayon. Iiinom ko na ito. Isang alak para sa pagkalimot!" sigaw ko kaya nagcheer naman ang mga kaibigan ko pati na rin si Hailey. Sumakay kami ng tricycle para pumunta sa isang mamahaling bar. Napabuntong hininga na lamang ako nang tumigil pa kami sa isang boutique na tindahan ng mga damit. Akala ko ay roon sa boutique iyon pala ay sa mall pa talaga. Mga magagastos. Heto na naman ako, hindi na ako nadala sa mga babaeng iyan. Rarampa na naman kami sa bar at magwawalwal hanggang umaga. Palo ako nito kay nanay at tatay pati na rin kay Felipe pero hayaan na. Konti na lang din ay maiiyak na ako. "Ano arat na? Gastos ka na Hiraya," bulong ni Hailey na may pang-aakit. "Oo na let's gastos," mahina kong sabi. "Iyon, gagastos na si Madam Kuripot!" masayang sabi ni Hailey kaya nagtawanan ang barkada namin. – Nandito na kami sa labas ng bar at ito na naman ang kaba ko. Kalma Hiraya, matanda ka na. Kaya mo naman na ang sarili mo at hindi ka na bata. Lagi na nga akong talo sa pag-ibig pati ba naman sa alak ay talo pa rin!? That is a big no. Umupo kami sa isang pwesto kung saan may dalawang magkatapatan na couch. Lahat kami ay mga nakaparty dress na nabili namin sa mall kanina, talagang ayaw nila magpatalo na hindi magpapalit ng full outfit. Isang fitted deep v-neck red dress ang nabili ko na 50 percent-off pa. Mabuti na nga lang at mura ito kahit maganda ang kalidad. Nag-iisa na rin mabuti na lamang at naunahan ko si Hailey. Sa halagang 600 pesos ay nakabili akong dress at high heels na sa ukay ko naman nabili kanina, napadaan kasi kami. Halagang 150 lang ay nakakita ako ng fake na YSL. "Grabe Hiraya, iba talaga ang morena beauty mo! Ang daming boys na tumitingin sa 'yo ha. Lingon ka roon sa tapat natin, may mga nakatingin na mukhang mayayaman at gwapo pa. Kaway ka naman pabalik!" sabi ni Susan at kinawayan ang kabilang table. "Oo be, chill ka muna. Huwag paistress sa ex mong gago," sabi naman ni Hailey at kumaway rin doon. Lumingon naman ako sa table na iyon at doon na yata nalaglag ang panga ko. Mga bathala yata ito, hindi na tao! Grabe ang kagwapuhan na makalaglag panga! Pero ayaw ko na sa gwapo, laging mga nanloloko. Maging panget nga ngayon ay mapanakit na rin. Kumaway ako roon sa table nila kaya nagsipulan naman ang mga lalaki at kinantyawan ang nasa gitna nilang seryoso lamang. Parang drawing dahil sa sobrang perpeksyon. Kamukha siya ni Zayn Malik ng One Direction. Paborito ko 'yong banda dati noong kabataan ko. Nang ngumisi ito ay tumigil yata saglit ang mundo ko. Grabeng kagwapuhan naman na mayroon ang lalaking iyon. Kinilig naman ako, talagang makalaglag panga siya. Ay nako, ang harot ko na naman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD