Hiraya's POV: May isang linggo mahigit na akong nagtatrabaho kay Mission dito sa kumpanya niya. Wala naman akong mabigat na ginagawa at mas madali pa nga ito kaysa sa trabaho ko sa bangko. Idagdag pang may isa pa siyang sekretarya sa labas. Hindi ko nga alam bakit niya pa ako kinuha. Taga-timpla lang naman ako ng kape, taga-arrange ng papeles, at minsang sumasama sa mga meetings niya. Pero ayos na rin dahil wala naman akong karapatang magreklamo. Ako na nga ang sinuswelduhan at pa-easy easy lang. Maayos naman ang naging pagsasama namin ni Mission. Madalas kaming pormal lang sa isa't isa dahil lagi kaming nasa opisina. Sir ang tawag ko sa kaniya habang siya naman ay Hiraya ang tawag sa akin. Kapag naman nasa labas kami ay hindi niya ako tinatawag ng malakas. Laging senyas o kaya ay bubul

