Hiraya's POV: "Saglit nga lang! Kausapin mo ako, Mission. Seryoso ka bang sinisante na ako sa bangko dahil utos mo iyon!?" sigaw ko kay Mission. "Oo, kailangan ba paulit-ulit? Para kang sirang plaka! Sabing oo nga dahil sa kumpanya ko na ikaw magtatrabaho! Ayaw mo ba kahit mas malaki ang sweldo? Doble ng sweldo mo roon sa bangko! Kung ayaw mo bumalik ka na roon," inis na sabi ni Mission at naglakad na ulit paakyat sa hagdan. Nakabuntot naman ako sa kaniya. Nandito na kami sa bahay niya. Kanina ko pa siya nililigalig sa sasakyan dahil naiinis ako. Hindi ko kasi alam na gagawin niya iyon. Ni hindi ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko! Malulungkot din si Hailey pati na sila Susan dahil wala na ako sa bangko. Pero tulad nga ng sabi ni Mission, mas malaki raw ang sahod sa kumpanya niya.

