Hiraya's POV: "M-Mission, bitawan m-mo ako. Ayos l-lang iyon wala ka n-namang kasalanan," nauutal kong sabi. Bakit ba ako nauutal? Napakabilis din ng t***k ng puso ko. Ano ba itong nangyayari sa akin? "Hindi ako hihingi ng sorry kung wala akong kasalanan, Hiraya. Forgive me dahil nasigawan kita, hindi ko dapat ginawa iyon. Magpahinga ka na rin muna, just promise me na hindi mo na uulitin 'yong tangkang pagtalon mo sa kotse at iyong sa bodega. Nag-aalala ako sa 'yo. Welcome ka naman dito sa bahay ko. Pasensya ka na rin dahil nadala lang ako kanina ng emosyon," paliwanag ni Mission. "Ayos lang iyon ano ka ba, magpahinga na muna tayo. Pasensya na rin sa inasal ko kanina," nahihiya kong sabi at lumayo kay Mission. Parang ang malamig na kagaya ni Mission ay biglang lumambot sa isang kat

