Hiraya's POV: "Saan ako tutuloy ngayon?" tanong ko sa aking sarili. Kita ko sa gilid ng aking mata ang paglingon ni Mission. Sa kaniya kaya ako tumuloy sa bahay niya? Makiusap muna ako? Tutal naman ang sinabi niya ay mag-asawa kami. Alam niya na rin naman ang sitwasyon at kalagayan ko ngayon. Mahihirapan din akong humanap ng ibang matutuluyan. Isa pa, dagdag gastos din iyon. "Pwede ba akong makitira sa 'yo muna? Tutal ikakasal din naman tayo. Saka wala na akong ibang mapupuntahan," tanong ko kay Mission. Napatawa si Mission kaya kinabahan ako sa reaksyon niya. Tumigil din siya sa gilid at inihinto ang sasakyan. Nakangisi niya akong nilingon.' Yon bang sarkastikong ngisi. "Pagkatapos kang itakwil ng mga magulang mo papayag ka na magpakasal sa akin? Ano iyon kasi wala ka nang matutu

