#HGDChapter45 Chance "Sa tummy po, Nay ah." Tumango ako at hinaplos ang pisngi ni Maddie bago ko ipinagpatuloy ang paglagay ng gamot sa insulin pen na ituturok ko sa kanya. "Kailangan ba talagang araw-araw siyang turukan?" tanong ni Hurricane habang karga si Mattie na parang koalang ayaw kumawala sa ama niya. "Tay, strong 'yan si Maddie 'di 'yan takot sa karayom. Kambal naman kami, bakit ako takot?" nangungusong tanong ni Mattie habang busy sa pagkalikot sa cellphone ng ama niya. "Matilda, iyang mata mo masyadong malapit sa cellphone ah," panenermon ko at binalingan si Hurricane para sagutin ang tanong niya. "Type 1 ang diabetes ni Maddie, she needs insulin every day to s-survive." Kahit araw-araw ko nang ginagawa ang pagturok kay Maddie ay nakakaramdam pa rin ako ng kirot sa pu

